^

PSN Showbiz

Heart parang may tindahan ng dinnerware sa bagong bahay

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Positive ang reaction ng netizens na nakakita sa part ng kit­chen ng bagong bahay ni Heart Evangelista kung saan nakalagay sa isang malaking cabinet ang plates, glasses, mugs at buong collection yata niya ng dinnerware. Parang dinnerware depot ang parteng ‘yun ng bahay ni Heart sa laki at rami ng laman.

“Excited to host dinners and chika nights,” ang caption ni Heart sa masasa­bing simpleng photo, pero may 18,205 views na mula nang kanyang i-post. May mga gusto tuloy mabisita ang bahay ni Heart para makita ang sobrang organized na dinnerware cabinet.

Samantala, sa isang interview, nabanggit ni Heart na ang gagampanan niyang karakter sa Mulawin vs. Ravena ay da­ting karakter sa original Mulawin at magbabalik lang. Hindi nagbigay ng clue si Heart kaya naghuhulaan ang kanyang fans kung sino sa original karakter ang gagawin niya.

Muling makakasama ni Heart si Dennis Trillo after nilang magtambal sa Juan Happy Love Story last year.

Sofia feel na feel ang pagiging bad

Kabilang na si Sofia Andres sa Pond’s Girl at ipinakilala siya kasama ang iba pang bagong endorser at dati nang members ng circle.

“I’m so happy that I’m now officially a Pond’s Girl! This has been a dream come true!,” post ni Sofia.

Dagdag pa ng isa sa mga bida ng Regal Films horror movie na Pwera Usog, matagal na niyang pangarap na makasama sa Pond’s family mula nang magsimula siya sa showbiz. 

Samantala, sa Pwera Usog, siya si Jean, ang brat, walang kinatatakutan, adventurous, at biniktima si Devon Seron ng prank call. May pagka-bad girl ang karakter ni Sofia pero hindi siya worried na magalit sa kanya ang fans dahil pelikula lang ito. Ex­cited siya nang unang mabasa ang script lalo na nang malamang si Jason Paul Laxamana ang director nito.

Sa March 8, na magsisimula ang showing ng Pwe­ra Usog na sinasabing launching movie ni De­von, pero okay lang naman siguro ito sa ibang cast.

Rodjun gustong ibalik sa Encantadia

Sunud-sunod ang pasabog sa Encantadia dahil pagkatapos pumasok ni Eula Valdez sa role ni Reyna Avria, papasok naman si Phytos Ramirez. Si Phytos ang gaganap sa karakter ng nagbinatang si Pao Pao na unang ginampanan ng child actor na si Yuan Francisco.

May mga na-disappoint kung bakit si Phytos pa ang ginawang binatang Pao Pao at hindi itinuloy na si Rodjun Cruz na lumabas na kambal diwa ni Pao Pao. Malabo na ang gusto ng ibang Encantadiks dahil nasa Legally Blind na si Rodjun as the no backbone boyfriend of Janine Gutierrez.

Sa post ni direk Mark Reyes, may mga bago pang karakter na papasok sa Encantadia. 

Megan mawawalan na ng kontrata sa GMA

Nagtapos na ang Alyas Robin Hood last Friday at may mga naniniwalang magkakaroon ito ng Book 2 dahil bitin ang ending. Hindi malinaw kung ano ang nangyari kay Jaclyn Jose at kung magkakatuluyan sina Dingdong Dantes at Andrea Torres.

Nalulungkot lang ang sumubaybay sa Alyas Ro­bin Hood kung totoo ngang babalik ang action series dahil tiyak na wala na si Megan Young. Patay na kasi ang karakter ni Megan sa ending ng show at malabo na siyang makabalik, unless may kakambal siya sa story.

Wala pang nababalitang new show si Megan sa GMA-7 at naalala namin ang nabanggit ni Mikael Daez na mag-i-expire na ang kontrata ng GF sa network.

Request ng fans ni Megan, bigyan siya ng GMA-7 ng show kung saan siya magho-host para iba naman ang napapanood sa kanya. Pwede rin daw pagsamahin sina Megan at sister nitong si Lauren Young.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with