^

PSN Showbiz

Xian handang magpa-sexy para kay arci!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Kamakailan ay nanalo si Xian Lim bilang Best Supporting Actor sa GEMS at Gawad Tanglaw Awards para sa pelikulang Everything About Her. Hindi raw halos makapaniwala ang aktor na marami na ang nakapapansin sa kanyang trabaho ngayon.

“I’m overwhelmed. Hindi ko in-expect na no’ng ginagawa namin ‘yung pelikula, sobra akong kabado. Ang dami kong iniisip pero ngayon (napansin). Hindi naman ako sanay mapuri, mas sanay ako na bina-bash noon,” nakangiting pahayag ni Xian.

Samantala, pinapangarap ng aktor na makasama sa isang proyekto si Arci Muñoz. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay maaari raw magpaseksi si Xian kasama ni Arci.

“Okay lang namang topless, underwear, pero huwag na muna siguro ‘yung puwet. ‘Yung topless, underwear scene. Kung kailangan naman talaga sa story at kung hindi naman siya para lang sa kalaswaan. Kung may sense naman kung bakit ginagawa, okay lang,” paliwanag ni Xian.

Ngayon ay napapanood ang binata sa teleseryeng A Love To Last na pinagbibidahan nina Bea Alonzo at Ian Veneracion. Hinahangad daw ni Xian na makagawa na rin ng kanyang solo project balang araw.

“Kung mabibigyan po ako ng pagkakataon. ‘Yun lang naman ang hinihingi ko palagi sa kanila eh. Chance lang talaga, mahirap po talagang manghingi ng chance eh. Kaya kung bibigyan po nila ako, pagbubutihin ko naman,” giit ni Xian.

Julia ayaw munang mamili kina ronnie at joshua

Una nang nagkatambal sa pelikulang Vince & Kath & James noong nakaraang Metro Manila Film Festival (MMFF) sina Julia Barretto, Ronnie Alonte, at Joshua Garcia. Noong isang linggo ay napanood sina Julia at Joshua sa Maalaala Mo Kaya at regular namang napapanood ang tambalan nina Julia at Ronnie sa teleseryeng A Love To Last.

Maraming mga tagahanga ang nagtatanong sa aktres ngayon kung sino kina Ronnie at Joshua ang mas matimbang sa kanyang puso.

“Ang haba lang ng hair. Well I’m just glad that I’m getting an opportunity to show the chemistry I have, with Ronnie and of course I have given an opportunity to show another chemistry with Joshua. I’m glad, before wala akong mahanap-hanap but now dalawa pa sila,” bungad ni Julia.

“With Joshua, makulit lang talaga ang personality niya, but it doesn’t mean na nag-level up kami. As much as possible right now, at this point of our career, I don’t want to fall in to pressure of having real life couple just because ‘yung tandem namin ay na-appreciate ng viewers on TV and on screen. As much as possible, parang we want both the perfect time to me. As much as possible, we don’t want to loose our focus,” dagdag ng aktres.

Naniniwala si Julia na darating ang tamang panahon para sa kanyang buhay pag-ibig.

“I’m very open to anybody right now. I’m just focused because I’ve been waiting for this time,” pagtatapos ng aktres.

vuukle comment

XIAN LIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with