^

PSN Showbiz

Serye nila ni Maine apektado ng sakit ni Alden!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Hindi pa man nagsisimula ang pag-ere ng serye nina Alden Richards at Maine Mendoza sa GMA na Destined To Be Yours ay mayroon nang pag-aaway na nagaganap sa mga tagahanga ng dalawa.

May mga nagtatampo kay Alden dahil may mga pinahintulutan siyang fans na dalawin siya sa ospital kung saan siya naka-confine dahil sa acute pharyngitis tonsillitis.

Siyempre, galit to death ‘yung mga hindi siya na­dalaw at ngayon may mga kampihan na’t parinigang nagmumula sa nahating kampo.

May mga nag-aalala na baka dahil sa pag-aaway ng fans ay maapektuhan ang serye nila. Tsk. Tsk. Tsk.

Vice lumutang ang pagiging super fan

Obvious naman ang pagiging big fan ni Vice Ganda kay 1993 Miss Universe Dayanara Torres. Hiling niya na makasama sa pelikula na gagawin nito sa bansa maski saling pusa lang siya. Mas nasimyento ang pagiging fan niya sa dating beauty queen nang mag-guest ito sa kanyang programang Gandang Gabi Vice.

Wala siyang ipinagawa sa Puerto Rican na ilang taong namayagpag dito sa bansa matapos itong maging Miss U, na hindi nito sinunod. Nakita pa ng lahat ng manonood kung paano siya nasiyahan sa pagpisil-pisil at paghawak-hawak sa braso nito.

Vehnee nagbibigay ng libreng workshop sa mga gustong maging composer

Nice to see na ang friend kong si Ladine Roxas na matagal nang hindi lumalabas at kumakanta sa TV ay napanood ko na nagbigay ng ilang song numbers sa parang tribute na ibinigay ni Boy Abunda sa kanyang programang The Bottomline kay Vehnee Saturno.

Hindi lamang si Ladine ang nag-interpret ng ilang hit songs ng partner niyang si Vehnee kundi ganundin ang mga discovery ni Vehnee na sina Essang Torres at Daryl Ong.

Mga eight hundred songs na ang naku-compose ni Vehnee, two hundred fifty hanggang three hundred dito ay naging major/minor hits tulad ng Be My Lady, Mr. Kupido, Isang Lahi, Till My Heartaches End, Forever Is Not Enough na akala ko ay isang foreign composition, Ikaw Na Nga at marami pang ba.

Wala nang mahihiling pa si Vehnee. Itinuturing niya ang sarili na pinakamasuwerteng composer sa bansa. Pinaka-happy siya kapag naririnig ang mga komposisyon na kinakanta ng mga sikat na singer sa radyo at TV at ginagawang theme songs sa mga serye sa TV at movies. Proud din siya na may mga awitin siya na naisalin sa ibang lengguwahe.

Inamin niya na puwedeng yumaman ang isang songwriter sa paggawa ng kanta. Nakapagpaaral siya ng mga anak sa pamamagitan ng kita sa paggawa ng kanta. Wala nang materyal na bagay na hindi niya mabibili, bukod pa sa nakapaglalakbay siya ng ibang bansa.

Bilang sukli sa magandang buhay, nagbibigay siya ng libreng workshop sa mga interesado ring gumawa ng kanta. Pangunahing payo niya sa mga tinuturuan ay huwag paapekto sa mga rejection na matatanggap nila at mga pang-aalipusta. Kasukdulan na ng kanyang pangarap ang makagawa ng isang malaking musical play.

Dingdong pahinga muna sa pag-arte

Siguradong maninibago si Dingdong Dantes sa susunod niyang palabas na Case Solved para sa GMA kung saan magsisilbi siyang host at narrator ng maraming kaso na naresolbahan na sa korte. Pero hindi kaya ma-miss ng fans niya ang kanyang pag-arte na talagang kinalugdan nila sa Alyas Robin Hood?

 

vuukle comment

MAINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with