^

Metro

Sa kaso ng dinukot at pinatay na Korean trader 2 pang pulis, 5 tauhan ng punerarya hawak na ng PNP, NBI

MGA LAMAS SA KINABUHI - Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawa pang pulis na sangkot umano sa pagdukot at pagpatay sa isang negosyanteng Koreano ang nasa restrictive custody na ng Philippine National Police (PNP), habang lima namang tauhan ng punerarya ang nasa kustodya na  ng NBI.

Kapwa hindi muna pinangalanan ng PNP at maging NBI ang mga taong kani-kanilang hawak para sa malaliman pang imbestigasyon.

Kamakalawa ay hindi na umano inabutan ng mga tauhan ng NBI ang abo ng biktimang South Korean national na si Jee Ick Joo sa isang funeral parlor sa Caloocan City matapos umanong iutos ng ‘‘boss’’ ng punerarya na i-flush na sa toilet bowl ang abo nito noong nakaraang Linggo.

Lumalabas sa impormasyon noong dukutin ang biktima noong Oktubre 18, 2016 sa bahay nito sa Angeles, Pampanga ng tinatayang walong kalalakihan at mapatay nang araw ding iyon ay agad itong ipina-cremate  ng mga suspek.

Nito lamang umanong Linggo ng gabi (Enero 15) nang mabalitaan na sumuko sa NBI ang nakilalang suspek na si SPO3 Ricky Sta. Isabel nang bigyan ng instruction ng may-ari ng punerarya na nakilalang ang dati ring pulis at kasaluku-yang chairman sa Brgy. 165 sa Bagbaguin sa Caloocan na si Ding Santiago ang mga tauhan na itapon sa toielt bowl ang abo ni Jee.

Patuloy na inaalam pa ng NBI ang crematory na nagsagawa ng cremation sa bangkay ni Jee.

Sakaling mapatunayan na sangkot ang punerar­yang nabanggit at crematorium na di pa tukoy, masasampahan sila ng kaukulang kasong kriminal dahil mahigpit sa batas na hindi dapat payagan na mailibing o mai-cremate ang bangkay ng walang consent ng kaanak o otorisadong tao.

Ang NBI ay nagsasagawa ng parallel investigation sa kaso ng kidnap for ransom na nagsusulong pa ng karagdagang kasong naisampa sa DOJ ng Anti-Kidnapping Group.

Nabatid na tatlo pang tauhan ng PNP na miyembro ng Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group ang iniim-bestigahan ng PNP na nasa restrictive custody.

Hindi umano si SPO3 Sta Isabel ang lumalabas na mastermind kundi ang  isang may ranggong mas mataas pa sa Police Superintendent ang nasa likod ng pagpapadukot sa Koreano.

vuukle comment

NBI

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with