^

Dr. Love

Sugar mommy

LABTIK - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Magandang araw sa po inyo. Ako po si Rudy, 21 anyos. Huwag n’yo nang ibunyag ang buo at tunay na pangalan ko. Mayroon akong kinakasama ngayon. Isang matandang biyuda na 58 years old. Siya ang nagpatapos sa akin ng kursong chemical engineer.

Kapit sa patalim ang nangyari sa akin. Mahirap lang kami at may ambisyon akong makatapos ng kurso. Nakilala ko si Luzvi­minda nang mag-apply akong driver niya.

Nag-iisa lang siya sa buhay. Masyadong liberated ang isip niya at sinabi niya na pag-aaralin ako, ibibigay ang lahat ng gusto ko basta’t magsama kami tulad ng mag-asawa.

May kondisyon siyang mabigat na puma­yag ako dahil siya lang sa tingin ko ang aking pag-asa na makapagtapos.

Magsasama kami habang siya ay buhay at hindi ako puwedeng makipag-relasyon sa iba. Medyo may tono pa nang pagbabanta ang salita niya kung ako ay magtataksil.

Nagkaroon ako ng kasintahan sa school. Ipinagtapat ko sa kanya ang lahat. Ok lang naman at nauunawaan niya ako. Ang problema ko ay paano ako kakalas sa sugar mommy ko? Gusto na kasi naming magpakasal ng girl­friend ko. Ano ang dapat kong gawin?

Rudy

Dear Rudy,

Napasubo ka na. Mali ang ginawa mo pero nasa sitwasyon ka ngayon na mahirap umatras­.

Ginastusan ka ng iyong kinakasama at ma­bigat ang kanyang kondisyon. Pero wala ka namang pinirmahang kontrata kaya maki­pagsira ka man sa kanya ay wala kang nilabag na batas. Katunayan, mas tama ang gagawin mo kung makikipagkalas ka na dahil­ ang relasyon mo ay isang kasalanan sa mata ng Diyos.

Ngunit mukhang may kaya ang kinaka­sama mo. Kung natustusan niya ang iyong edu­kasyon at ibang pangangailangan, baka kaya rin niyang ipaligpit ka kapag sinugatan mo ang kanyang puso. Kaya mag-ingat ka na lang.

Dr. Love

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with