^

Kutob

Enero 19, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Affirmation: Ang biyaya ng ibinubuhos ng Panginoon ay aagos na gaya ng tubig sa ilog para sa bawat panganga­ilangan nang mga nagtitiwala sa Kanya.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – May dahilan na maging malungkutin, ang dapat hanapin ay tamang paraan upang sumigla. Malamang may mawawalang bagay subalit ang maliit na bagay na mawawala ay may kapalit na doble kung idadalangin na makatulong ito sa nakakuha o nakadampot. Lucky numbers at color for the day ay 2, 10, 26, 34 at tangerine.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Sa kagipitan­ malaking pagkakataon na malantad ang likas na talino. May hindi inaasahang pangyayari na dapat pa­sala­matan. May mga pangyayari na makapagbubukas ng tamang landas sa kaunlaran. Lucky numbers at color for the day ay 15, 20, 27, 41 at mint green.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Nasa gitna ka ng tungkulin at pamilya na kapwa ka kailangan. Sundin­ ang damdamin at tiyak doon ka nararapat. Sa desis­yong gagawin, maging matatag at buo ang loob para tagumpay ang makamit. Lucky numbers at color for the day ay 1, 14, 23, 40 at yellow.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Ang pagka-presko ay magdudulot ng maraming sama ng loob. Baguhin ang maling ugali bago mawalan ng kaibigan. Ang inaakalang maling nagawa kung sisimulan baguhin, lalandasin ang daan ng kaunlaran. Lucky numbers at color for the day 6, 12, 28, 34 at pearl pink.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – May mabubuong hinala ang minamahal o boss. Kung may itinatago, tiyakin na hindi matutuklasan dahil pagmumulan ng hindi pagkakaunawaan o gulo. Kung hindi mag-iingat, ang tinatago ay malalantad. Lucky numbers at color for the day ay 2, 11, 23, 28 at beige.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) –  Maging kalmado at mahinahon dahil makakasagupa ng mga taong makulit o may pagkapilosopo. Iwasan na mag-init ang ulo. Iwasan ang magpadalus-dalos dahil kapahamakan ang aabutin. Lucky numbers at color for the day ay 3, 16, 22, 34 at citrine yellow.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Kung may alitan sa nakaraan, tamang panahon para ayusin ngayon dahil magiging magaan ang solusyon. Ang inaakalang mahirap gawin ay napakagaan na magagampanan. Kung positibo ang isip, positibo ang resulta sa ginagawa. Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 32, 40 at aqua­marine.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Ngayon sundin ang dikta ng isip at damdamin dahil tiyak tagumpay­ ang matatamo. Huwag ipagpabukas kung ano ang dapat gawin. Kilos kaagad kung may ga­gawin dahil malaki ang pakinabang na naghihintay. Lucky numbers at color for the day ay 2, 17, 23, 36 at honey yellow.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Huwag mag-alinlangan, ipakita ang kanilang inaasahan dahil dagdag ito ng respeto sa sarili. Mapagtitibay ang harmoniya sa tahanan o pinapasukan. Maayos at walang suliranin sa gawain. Lucky numbers at color for the day ay 5, 13, 26, 41 at red.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Huwag ma­walan ng pag-asa sa mga pagpa-follow-up dahil kung may tiyaga, may mapapala. Huwag pilitin dahil kung sadyang ukol ay talagang bubukol. Pasensiya ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 25, 39, 42 at dollar green.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Wala ka ngayon sa sarili dahil sa taglay na suliranin at kung magpapadala sa emosyon, lalong lalala. Magpasalamat dahil sa tulong ng signos, madali kang makakahagilap ng solusyon kung may suliranin. Mabilis ang solusyon kung tututukan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 8, 19, 32 white.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Kung ano ang ginawa ay siya rin ang gagawin sa iyo. Huwag magtaka kung makakasagupa ng masungit. Huwag magtaka kung matsismis, panahon nang pagbabago ng masamang ugali. Lucky numbers at color for the day ay 18, 29, 34, 37 at baby pink.

 

vuukle comment

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with