Kapuso stars kinuyog ang Sinulog
MANILA, Philippines - Just by looking at some posts in social media, kitang kita na pinagkaguluhan ang ilang Kapuso stars na bumisita at nakisaya sa Sinulog Festival sa Cebu.
Ang lead stars ng upcoming series ng GMA na Destined To Be Yours na sina Alden Richards at Maine Mendoza ay talagang tinilian sa kanilang pagpapakilig habang sina Ultimate Star Jennylyn Mercado at newest Kapuso discovery na si Gil Cuerva ay binigyan ng warm welcome ng mga Cebuano at nangakong aabangan sa nalalapit na remake ng hit Korean series na My Love From The Star.
Meanwhile, isang masayang mall show naman ang hinandog ng Ika-6 Na Utos stars na sina Ryza Cenon, Gabby Concepcion at Sunshine Dizon.
Nakisaya rin sina Barbie Forteza, Ken Chan, Jak Roberto, Addy Raj, Ivan Dorschner at Mika Dela Cruz ng Meant To Be. Nakakainggit! Sana pala ay nagpunta rin kami sa Cebu para sa taunang event na ito para nakasama rin namin ang paborito naming Kapuso stars!
Parang nandun na lahat ng Kapuso Stars sa Cebu.
- Latest