^

Pang Movies

Alden dapat na raw tantanan ang kakalagare

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Hinay-hinay lang, Alden Richards. Too much work will affect your health. Ito ang paalala sa Pambansang Bae na si Alden ng kanyang fans, nagmamahal sa kanya at mga friend niya sa lugar na kinalakhan niya at pinagmulan sa Golden City, Sta. Rosa, Laguna.

Hindi masama ang rumaket nang rumaket, ano man ang inyong pinagkakakitaan ay mahirap pakawalan lalo’t matagal n’yo itong hinintay.

Pana-panahon kasi ang showbiz at ito ang matagal nang hinintay ni Alden, ang mabigyan siya ng malaking break.

Pareho sila ni Mark na taga-Golden City pero mas naunang sumikat si Mark sa showbiz.

Nagkakaroon naman si Alden dati ng mga project sa showbiz pero kalaunan ay naging matamlay din. Hanggang sa bigla na nga lang sumulpot ulit si Alden bilang ka-love team ni Maine Mendoza.

Naging very hot item sila sa tulong na rin ng mga lola na sina Paolo Balesteros, Wally Bayola at Jose Manalo.

Patok na patok ang kanilang tandem.

Grabe ang kanilang lagare na halos magkahimay-himay na ang katawan ng AlDub lalo na si Alden. Nakakatulog pa kaya sila?

Kaya calling the attention of Pambansang Bae. Hinay-hinay lang. Narating mo na ang pinakamataas na kinalalagyan mo ngayon. Hindi na mawawala ang nasimulan mo na.

Kitang-kita naman na kailangan ka pa rin ng mga produkto, mga advertiser, dahil matagal pa ang iyong ilalagi sa larangan na kinalalagyan mo. Pero give time for your health. Sabi nga, health is wealth. Alagaan mo ‘yan dahil pag nasobrahan ang pagod, pati ang career napapagod at manlulupaypay din.

Mark nakabawi na

Speaking of Mark Herras, muling sumigla ang kanyang career bago magtapos ang taong 2016 dahil sa teleserye niya, ang Sa Piling Ni Nanay.

Ang haba ng kanyang exposure bilang leading man nina Katrina Halili at Yasmien Kurdi. The most is maganda ang role niya, so nakabawi na si Mark.

May mabigat na pinagdadaanan noon si Mark, nagkasakit ang mga magulang niya na nananahimik na sa kabilang buhay.

Ang Mommy niya, si Jasmine Herras namatay last year. At this time masaya rin si Mark dahil mayroon siyang susunod na series sa GMA-7 at higit sa lahat yumayabong ang relationship nila ni WinWyn Marquez. Although may plano silang magpakasal, pero hindi pa raw ngayon, dahil pag-iipunan pa nila ‘yun.

MANY THANKS…

Salamat kina Judie ng PNS sa magandang payong cum baston, ganoon din kay ka-friendship Ian Farinas, Q.C Mayor Herbert Bautista dahil malayo pa ang birthday ko, advance na ang pakimkim. God bless!

vuukle comment

ALDEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with