Mahigit 9K pulis ipapakalat sa mga sementeryo sa Metro Manila
MANILA, Philippines – Mahigit 9,000 pulis ang nakatakdang i-deploy sa Metro Manila kaugnay ng paggunita sa Undas sa Nobyembre 1.
Ito ang ipinabatid kahapon ni Metro Manila Police Director, P/Chief Supt. Oscar Albayalde bilang bahagi ng mahigpit na pagpapatupad ng seguridad para tiyakin ang kaligtasan ng publiko.
Sinabi ni Albayalde na nakikipagkoordinasyon na rin sila sa iba pang mga ahensya ng pamahalaan at maging kanilang mga counterparts sa AFP, Metro Manila Development Authorities (MMDA), Bureau of Fire and Protection, local government units at maging ang mga force multipliers.
Inatasan na rin ni Albalyalde ang lahat ng mga District Directors, Chiefs of Police at Station Commanders sa Metro Manila na masusing makipagkoordinasyon sa iba pang mga ahensya ng pamahalaan at palakasin pa ang intelligence at counter-intelligence operations upang mapigilan ang kriminalidad.
“Beat Patrollers and Explosive Ordinance Disposal (EOD) experts will secure community key areas, places of convergence, vital and financial installations to preempt terroristic activities”, ayon pa kay Albayalde.
Ipinag-utos din ni Albayalde ang mahigpit na pagkumpiska sa mga patalim, flammable materials, alak, at iba pang uri ng alcoholic beverages, mga gamit sa gardening, deadly buckles, maiingay na speakers, baraha upang mapanatili ang tahimik at mapayapang paggunita sa Undas.
- Latest