^

Probinsiya

2 ‘drug dealers’, 1 pa itinumba

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

Onsehan sa droga…

 

MANILA, Philippines -  Dalawang hinihinalang drug dealers at isang magtatari sa sabungan ang nasawi matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem habang dalawa pa ang nasugatan sa magkahiwalay na insidente sa Antipolo City nitong Huwebes. Ang mga nasawi ay sina Norman Danday at Ramil Mañago, pawang hinihinalang drug dealers at isang Jaymar Von Atienza, isang magtatari ng sabungan. Suga­tan naman ang isang umano’y tulak na si Joseph Buebo at isang Raymond Sigue. Sinabi ni Supt. Ruben Andiso, hepe ng Antipolo City Police, dakong alas-11 ng gabi nang maitala ang unang insidente sa Sitio Tanglaw, Brgy. San Isidro ng lungsod dahil sa onsehan sa droga na ikinasawi nina Danday at Mañago.  Nauna rito, pinagbabaril dakong alas-3:30 ng hapon sa Brgy. San Jose, Antipolo City si Atienza habang  nasugatan dito ang kasamahang si Raymond Sique.

vuukle comment

DRUG DEALERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with