^

PSN Showbiz

Kim at Gerald umapaw ang chemistry

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kim at Gerald umapaw ang chemistry
Kim Chiu and Gerald Anderson

MANILA, Philippines - Umaapaw pa rin ang chemistry nina Kim Chiu and Gerald Anderson sa Ikaw Lamang ang Iibigin na nagsisimulang mapanood kahapon ng tanghali bago mag-It’s Showtime. 

Sa special screening nu’ng Linggo bagama’t matagal ang flashback sa unang episodes ng palabas, nang mapunta ang kuwento sa magka-loveteam, tilian na ang fans. Hindi talaga nawawala ang kilig sa kanila.

Pero promising din ang dalawang batang gumanap sa character nila. Mga teenager pa lang sila, kita na magkaka-future sila.

Anyway, si Kim ay parang walang nagbago pagkatapos ng ilang taon nilang paghihiwalay ng landas ni Gerald. Ang mapapansin lang sa kanya, parang tumibay na ang katawan niya. Triathlete ang role niya at parang ang lakas na ni Kim. Super healthy kahit maliit ang katawan unlike noon na parang lampa at liliparin sa kapayatan.

Si Gerard ang medyo nag-mature ang hitsura. Lumaki kasi ang katawan at blonde ang hair bilang isang mahirap sa kuwento na tumatakbo at sumisisid sa dagat na nagsisikap makapag-aral dahil wala siyang kinagisnang mga magulang. Lumaki lang siya sa kanyang lola na ginagampanan ni Ms. Gina Alajar.

Isinabak sila sa tanghali ang balik-tambalan ng dalawa na nagsimula kahapon. 

Sikat na loveteam papasok sa It’s Showtime

Papasok ang isang sikat na magka-loveteam sa It’s Showtime.

Matagal-tagal na rin silang walang regular TV show kaya tama lang na isabak sila sa Showtime.

Anytime now ay ilalabas na raw kung sinong magka-loveteam ang magiging regular member muna ng programa.

Balitang magbabakasyon kasi si Anne Curtis sa programa dahil nga magiging abala na sa kanyang kasal kay Erwann Heussaff.

Pia at Xian obvious ang pag-buckle at dead air!

Parang same ang level of tension and nervous nina 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach and Xian Lim nang mag-host sila ng Binibining Pilipinas 2017 last Sunday night na umere sa ABS-CBN.

Kitang-kita sa mukha nila ang nerbiyos sa pagba-buckle at nagkakaroon ng dead air moments.

Meron pang isang eksena na paulit-ulit lang ang papuri ni Xian kay Pia at si Pia naman ay very obvious na binabasa niya ang kanyang mga sinasabi.

Maganda naman ang mga suot ni Pia pero may ilan pa ring pumintas dahil nga siguro parang hindi siya masyadong confident nu’ng gabing ‘yun. Maraming pagkakataon na sumasabit siya sa pagbabasa ng mga pangalan ng mga kandidata.

Anyway, kawawa si Maxine Medina, 2016 Bb. Pilipinas Universe dahil in-emphasized nilang total package na ang hinahanap ngayong taon.

Ex ni Jake nakasungkit ng korona

Kasama sa mga kinoronahan ay ang ex-girlfriend ni Jake Cuenca na si Chanel Olive Thomas as Bb. Pilipinas-Supranational. Nakailang sali na si Chanel bago siya nakasungkit ng korona at nanalo na rin siyang Miss Philippines Air sa Miss Earth noong 2015.

Kasama rin sa mga kinoronahan sina  Elizabeth Clenci as Bb. Pilipinas-Grand International, Katarina Rodriguez as Bb. Pilipinas Intercontinenta,  and Nelda Ibe as Bb. Pilipinas Globe.

Sina Rachel Peters ang Miss Universe-Philippines at si Maria Angelica de Leon ang waging Bb. Pilipinas-International.

vuukle comment

KIM AT GERALD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with