^

Probinsiya

Asset ng militar, nilikida

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - Bulagta ang 17-anyos na binatilyo na inakusahang asset ng militar matapos itong pagbabarilin ng dalawang rebeldeng New People’s Army sa Purok 5, Barangay Tugas sa bayan ng Matnog, Sorsogon kamakalawa ng umaga. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Ramel Baraguer ng nasabing barangay. Base sa ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Simeon Ola, paalis na sana ang biktimang nakamotorsiklo nang harangin at komprontahin ng dalawang armadong lalaki. Gayunman, ilang minuto ang nakalipas ay pinagbabaril na ang biktima hanggang sa mapatay. Ayon sa ulat, inakusahan ng NPA na confidential agent ng militar ang biktima dahil nakita ito ng mga rebelde sa loob ng kampo ng Philippine Army sa bayan ng Matnog. Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng baril.

 

vuukle comment

RAMEL BARAGUER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with