^

Bansa

DDS member Arturo Lascañas, umalis ng bansa

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nagsasagawa nga­yon ng beripikasyon ang  mga awtoridad hinggil sa ulat ng umano’y pag­labas ng bansa ng self-confessed Davao Death Squad (DDS) member na si Arturo Lascañas.

Lumilitaw sa report na kamakalawa ng gabi umano pumuslit ng bansa si Lascañas dahil umano nakatanggap ito ng mga banta na sasampahan siya ng kaso at may mga tao rin daw na naghahanap sa kanya.

Dahil dito, minabuti na lamang daw niyang pansamantalang umalis ng Pilipinas.

Bagamat alam naman na raw ng gobyerno kung saan siya tutungo dahil kamakailan lang ay naghain siya ng kanyang immigration form, mainam na raw na huwag na muna niyang sasabihin kung saan man siya sa kasalukuyan.

Matatandaan na kamakailan lang ay bumaligtad si Lascañas sa kanyang mga naging pahayag sa Senate investigation noong nakaraang taon, kung saan itinanggi niyang miyembro siya ng DDS, gayundin ang mga alegasyon ng isa pang self-confessed DDS member na si Edgar Matobato.

Pebrero 20 nang aminin ni Lascañas na siya ay nagsinungaling nang una siyang humarap sa imbestigasyon ng Senado.

Sa araw na rin na iyon kanyang idiniin si Pangulong Rodrigo Duterte na nasa likod umano ng mga pagpatay ng DDS.

Mariing pinabulaa­nan naman ng Malacañang ang mga paratang ni Lascañas, sa pagsasabi na bahagi lamang umano ito ng mga pla­nong siraan si Pangulong Duterte at ang administrasyon nito.

vuukle comment

DDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with