^

Pang Movies

Thea malaking banta kay Maine!

Vir Gonzalez - Pang-masa

MANILA, Philippines -  May mga nagkakatuwaan na noong magbuhos daw yata ng biyaya galing sa taas ay sina Alden Richards at Maine Mendoza lang ang nakasahod ng sobrang grasya.

Halos lahat ng commercials ay sila ang laman. Kulang na lang daw na kahit posporo ay ipaendorso sa dalawa. Ganyan naman dito sa atin kung sino ang sikat doon sila lahat.

Sa swerteng tinatamasa ni Maine, kailangang huwag niyang pababayaan ang kanyang acting lalo na sa teleseryeng Destined To Be Yours.

Nasa cast na rin kasi si Thea Tolentino na isang magaling na artista at puwedeng makasapaw sa kanya.

Coco tumulong sa pagpapaospital ni Janice Jurado

Medyo maayos na ang kalagayan ng dating sexy star na si Janice Jurado. Inoperahan si Janice at ngayon ay nagpapagaling na lang.

Hindi nga lang nakadalo ang aktres sa premiere ng pelikula nilang Bubog directed by Arlyn Dela Cruz sa SM Davao.

Hindi maipaliwanag ang sayang nararamdaman ni Janice dahil sa mala­king tulong na ibinigay ni Coco Martin. Nagbigay din ng tulong si Direk Arlyn sa aktres.

Balitang balak na raw kunin ni Coco si Janice bilang guest sa show nito na FPJ’s Ang Probinsyano.

Wala talagang makakatulad kay Coco pagda­ting sa pagdamay. ‘Namana’ niya ata ito kay late Fernando Poe, Jr.

JM ‘wag daw sanang matulad kay Kris

May balitang muling babalik sa ABS-CBN ang nawala sa sirkulasyon na si JM De Guzman na matagal tagal ding hindi napanood. 

Ang tanong naman ng karamihan, may babalikan pa ba siya sa naturang network? Sana raw ay huwag itong matulad sa nangyari noon kay Kris Aquino noong magbakasyon ang TV host actress.

Dapat minamahal ang trabaho dahil kapag nagtampo ito ay mahirap nang balikan.

Pinulot… puro murahan lang

Bakit daw parang napakadali naman yatang mawala sa ere ng teleseryeng Pinulot Ka Lang Sa Lupa?

Totoo kayang dahil napulot lang kaya ito kaya madaling mawala?

Anyway, sabi naman ng mga kasambahay ay pulos lang naman sigawan, murahan at sumbatan ang naturang serye kaya tutuldukan na lang.

Ayaw naman nilang ma-stress din habang nanonood dahil lagi raw nagagalit na lang ang mga character nilang napapanood.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with