^

PSN Opinyon

Pila sa BI- NAIA lalong lalala ngayong lenten season at bakasyon

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

IBINULONG sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ng ilang immigration personnels sa NAIA na ang mga ipadadalang mga tauhan ng Bureau of Immigration galing sa kanilang main office at iba pang lugar ay tiyak na magkaka-problema lamang ng malaki sa operasyon nila sa pagbibigay ng ‘passport clearance’ sa mga international departing at arriving passengers.

Bakit?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, karamihan sa kanila ay walang alam sa operasyon ng bagong computer data system na ginagamit sa NAIA dahil bukod sa highly technical ang mga ito ay upgraded pa.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga immigration officers na galing international airport tulad ng Clark, Cebu, Davao echetera ang puedeng makaintindi sa paggamit ng kanilang computer data system sa NAIA dahil ganito rin anila ang ginagamit nila sa international airports at seaports kaya alam nila ang dapat gawin.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga NAIA immigration officers na inilipat sa ibang lugar 2 years ago at hindi sa ibang international airport ay siguradong walang alam at hindi kayang i-operate ang computer data system nila.

Bakit?

Sagot -  hindi sila nagsanay o sinanay dito.

Sabi nga, nganga lamang sila sa NAIA!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat ang mga itatalaga sa mga immigration counters sa NAIA ay may alam sa makabago nilang computer data system dahil kung magpapaturo pa lamang sila sa mga itatalagang mga miembro ng BI - Management Information System Division(MISD) na  ang karamihan dito ay nagbitiw at nag-leave, siguradong may problema at lalong lalala ang pilahan sa NAIA oras na nagsabay-sabay ang pag-alis at pagdating ng mga international flights.

“Siguro ang mga ipadadalang mga tauhan ng BI sa NAIA ay a-asiste lamang sa pilahan ng madlang passengers.”, sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Ika nga, magta-traffic lang? Hehehe!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi kasi biro ang mga immigration officers na nakatalaga sa mga international airport at seaports na humahawak ng makabagong computer data system nila dahil kailangan bihasa sila sa hahawakan nilang computer dahil hindi biro ang mga program todits tulad ng ang computer system ay naka-link sa lahat ng tanggapan ng Bureau of Immigration sa Philippines my Philippines, naka-link ito sa Manila Economic and Cultural Office para sa mga visa at iba pang importanteng kailangan nila, naka-link sa Interpol, naka-link sa POEA, naka-link para makita ang mga derogatory infomation ng mga pasaherong aalis o darating ng Philippines my Philippines, ang mga previous biahe ng madlang pasahero, i-card verification, payment, resticted nationals, mga visa required nationals, mga ASIAN delegates at ang facial capturing ng mga passengers.

Sabi nga, maraming pinipindot sa computer data system ang mga immigration officers, paano kung walang kasanayan ang pauupuin dito?

Sagot - tiyak lalong lalala ang pilahan sa NAIA.

‘Dahil lamang sa tanungan kung ano ang gagawin?’ Hehehe!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang bawat international passengers ay natatapos ng isang immigration officers sa counter nito para mabigyan ng ‘passport clearance’ sa loob lamang ng 30 seconds pero kung ang mga walang alam ang pauupuin dito tiyak magtatagal dahil sa katatanong sa kanyang mga kasamahang may alam.

‘Kung ang mga dating IO sa NAIA o iyong mga galing dati sa ibang international airports ay agad isasabak sa bago nilang assignment tiyak malaking bulilyaso o aberya ang mangyayari dahil it will take time para nila matutunan ang computer data system sa pinag-uusapan nating airport.” sabi ng kuwagong binobola ang madlang publiko.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagkaroon ng matinding aberya sa NAIA nang hindi ibigay at pinatigil ni DBM Secretary Ben Diokno ang ‘honorarium/allowance’ ng mga empleado dito simula pa noong Enero.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mara­ming immigration officers, mga abogado, MISD ang nagbitiw na sa trabaho para maghanap ng magandang sahod.

Bukod dito, sangkaterba rin ang nag-file ng leave of absence sa tanggapan ng BI Commissioner.

‘Mababalik pa kaya ang honorarium/allowances ng mga immigration personnels partikular iyong mga nasa NAIA?’ tanong ng kuwagong pakaang-kaang.

Sagot - sa takbo ng usapan ng mga bigshot sa Malacañang malamang hindi na ito mangyayari?

Bakit naman?

‘Dahil gusto pang ipasa ito ni Diokno sa Kongreso para ma-amyendahan.’

Tanong, ganoon naman pala eh, ano ang problema pa?

Sagot - kahit gawin pang priority bill ito sa Kongreso kakain din ito ng oras,araw o buwan at baka taon pa para madisisyunan ang batas?

‘Ano ang mainam?’

Sagot - siguro tama lang na magbitiw sila kung hindi sila satisfied sa kanilang sinasahod sa ngayon.

Abangan.

vuukle comment

NAIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with