^

PSN Opinyon

Mga tauhan ng HPG chief kinokotongan ang truck drivers

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

DAHIL sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa airport, pier at bus terminal ngayong Semana Santa, magtutulungan ang lahat ng mga ahensya sa ilalim ng pangangasiwa ni DOTr Sec. Arthur Tugade. Ang mga pantalan sa buong kapuluan ay isinailalim sa mahigpit na pagtatanod ng Philippine Coast Guard upang masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero. Mahigpit na ipinagbabawal ng PCG ang pagdadala ng mga flammable material unang-una na riyan ang mga tangke ng gasul. Mahigpit din ang pagdadala ng mga baril, kutsilyo, bala at droga kung kaya ang mga kargamento ay isasailalim sa x-ray machine o personal na examination. Ang mga papasok sa pantalan ay isasailalim din sa body search kung kaya nakiki-usap si PCG Comm. Arman Balilo na makipagtulungan na lamang upang hindi na magkaroon ng abala sa paglalakbay. Ang lahat naman ng mga bus at roro vessels ay idadaan sa masusing inspeksiyon upang hindi mag-over loading. Tandaan ang mga paalaala ng PCG, dahil ang kanilang paghihigpit ay para sa inyong matiwasay at ligtas na paglalakbay.

Ang Manila International Airport Admistration naman  ay nagsasagawa rin ng paghihigpit sa mga pasahero kung kaya ang hiling nila ay maglaan ng mahabang oras sa pag-check-in upang masuri maigi ang inyong mga bagahe. Bagamat may sigalot ang pagwewelga ng Immigration personnel, gumagawa rin naman ng kaparaanan si GM Ed Monreal upang mapabuti ang serbisyo sa lahat ng mga paliparan ng bansa. Nagpakalat na rin ng mga tauhan ang Land Transportation Office, Land Transportation Francising Regulatory Board at Philippine National Police-Highway Patrol Group ng mga tauhan sa mga bus terminal lalung-lalo na sa may Cubao at Pasay City upang masuri ang mga bus na bibiyahe patungong probinsya. Asahan na rin ang paghihigpit ng mga bus companies sa inyong mga bagahe. Kaya kung maari ay iwasan ninyo ang pagdadala ng napakaraming kargamento upang masiguro na makakasakay kayo ng bus. Katulad ng paghihigpit ng PCG sa pantalan, sa terminal ay isasasalang din ang inyong mga kargamento sa masusing pagsusuri bago kayo makapasok ng bus.

Maganda ang paghahanda ng DOTr dahil nais ni Pres. Rodrigo Duterte na ligtas ang lahat sa paglalakbay. Ngunit may paalala lang ako kay Sec. Tugade, dahil nga sa nag-uumapaw ngayon sa pasahero ang mga bus terminal, tiyak na sasamantalahin naman ito ng mga colorum van. Sec. Tugade Sir, patutukan mo ang barkers sa paligid ng mga bus terminal, sila ang mga umaakay sa pasahero para  isakay sa mga colorum van. Kaawaawa ang mga pasahero ng colorum van kapag naaksidente dahil hindi sila pananagutan ng fly by nights na van operators.

Para naman kay HPG chief Gardiola Jr., hambalusin mo ang iyong mga tauhan sa Pan-Philippine Highway na kinokotongan ang mga cargo truck driver. Sa sumbong na nakarating sa akin, may ilang tauhan si Gardiola na pinapara ang delivery trucks at kung anu-anong inspection ang ginagawa para magkapera. Ayaw ni President Rody ng ganyan kaya habang maaga aksyunan mo ito. Eto pa Gen. Gardiola, pakiinspeksiyon mo ang mga private van na may nakasabit na Press at Media ID’s sa harapan dahil ito ang mga colorum na nagsasakay ng mga turista. Kaawaawa ang mga turista oras kapag nadisgrasya dahil hindi sila cover ng insurance.

vuukle comment

SEMANA SANTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with