^

PSN Opinyon

Huwag kayong uutot

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ANG sabi ni President Duterte, “amoy pa lang na may katiwalian”, sisibakin na niya kahit matalik niyang kaibigan. Amoy pa lang! Heto ang advice ko ngayon sa mga miyembro ng official family ng Pangulong Digong: “Huwag kayong uutot kapag kaharap ang Pangulo.” Far-ting moments can be parting moments.

May matandang kasabihang Pilipino: “ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait na sarili.”  Ibig sabihin, ang naniniwala sa mga sumbong na walang basehan ay walang katinuan ang desisyon.

Kamakailan ay sinibak sa puwesto ni Presidente Duterte ang isa na naman sa kanyang mga malapit na kaalyado na si DILG Sec. Ismael “Mike” Sueno. May nakapagsabi raw na tatlong Undersecretaries ng naturang tanggapan na may pinasok na tiwaling negosasyon si Sueno tungkol sa pagbili ng mga firetrucks. Nilinaw naman ni Sueno na matagal nang aprobado ang kontrata na ang pumirma pa ay ang yumaong DILG Sec. Jesse Robredo noong panahon ni Presidente Aquino. Heto ang sinabi ng Pangulo. Hindi ko sinasabing walang basehan ang alegasyon kay Sueno. Baka nga totoo kaya inaksyunan agad ng Pangulo, kahit pa si Sueno ay  matalik niyang kaibigan.

Pero sa sinabi kasi ng Pangulo, parang inamin niya na hindi na siya mag-iimbistiga para patunayan ang alegasyon. “Amoy pa lang” ng anomalya, sibak na. Paano kung may nag-iintriga lang at ang sinibak ay mahusay na pinuno? Sayang.

Ang nakikita ko rito, inuunang sibakin ng Pangulo yung mga pinakamalapit sa kanya gaya nina Sueno at ni Peter Laviña na dating Administrador ng National Irrigation Administration, para walang masabi sa kanya sa sandaling sibakin niya sa tungkulin yung mga carry-over mula sa nakaraang  Aquino administration.  Hindi ko sinasabing yun na nga yon, pero ganyang ang nabubuong hinala sa akin, at posibleng sa ibang mamamayan.

Kahit sinsero ang Pangulo, sa tingin ko, mali na umaksyon nang karakaraka batay sa “amoy” pa lang. Dapat siguro, yung mga nagpapasingaw ng baho na walang katotohanan laban kanino man ang unang dapat tapyasin.

vuukle comment

ISMAEL “MIKE” SUENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with