^

Metro

Motorsiklo nag-counter flow, sumabit sa truck: 1 patay, 1 sugatan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang 36-anyos na rider habang sugatan ang angkas na kapatid nito nang kapwa mahulog sa motorsiklo matapos ma-hit and run ng kasalubong na trailer truck matapos na mag-counter flow  sa Road 10,Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Roel Gabotero, may asawa, habang ginagamot pa ang nakababatang kapatid       na si Ronaldo Gabotero, 32, binata, construction worker, kapwa residente ng Smokey Mountain, Tondo.

Inaalam pa ang plaka ng trailer truck at pagkakakilanlan sa driver ng truck.

Sa ulat ni SPO2 Mario Lising ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng gabi sa Road 10, malapit sa panulukan ng Jacinto St., Tondo.

Magkaangas umano ang dalawa sa motorsiklo na may nakakabit lamang na plakang “for registration” na nag-counterflow sa northbound lane ng Road 10.

Dahil pasalubong, nasagi sila ng unahang bahagi ng trailer truck pagsapit sa Smokey Mountain  kaya nawalan ng kontrol sa manibela hanggang sa bumangga sa trailer at tumilapon mula sa motorsiklo.

Hindi naman tumigil ang nakasaging truck sa mga biktima.

vuukle comment

ROEL GABOTERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with