^

PSN Opinyon

Kalaban ng bansa

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

ANO ang karapatan ng NDF para maglabas ng “arrest order” kay dating President Aquino, ilang opisyal ng lokal na pamahalaan, pati ilang opisyal ng militar at pulis dahil sa insidente sa Kidapawan. Mga paglabag sa karapatang pantao umano ang kanilang krimen, kaya dapat arestuhin at kasuhan sa “people’s court”. Sino ang NDF para maglabas ng ganyang akusasyon at utos? Ano ang kanilang kapangyarihan kung sila ay itinuturing na kalaban ng bansa?  

Ang NDF ba ay wala ring pananagutan pagdating sa karapatang pantao? Ang pagpatay nila sa mga sundalo, ang pagsunog ng mga kagamitan at pagkolekta ng buwis sa mga kompanya ay hindi labag sa batas? Sila ang dapat arestuhin. Tanging ang gobyerno, partikular ang hudikatura ang may tanging kapangyarihan na mangasiwa sa mga batas, pati na ang mga hatol para sa mga lumalabag nito.

Napakalaki na talaga ng ulo ng NDF. Kung magsalita ay tila lehitimong organisasyon na may kapangyarihan sa batas. Ilang beses ko nang pinuna ang kanilang dahilan kung bakit kinailangang makipagsapalaran sa mga sundalo ay dahil pumasok sa kanilang teritoryo. Wala silang karapatan sa anumang teritoryo. Kung may kontrol man sila sa anumang lugar ay dahil dinadaan lang sa dahas.

Nananawagan ang AFP sa publiko na isumpa ang NDF at NPA, para sa lahat nang krimen na ginawa nila. Mga terorista at mangingikil sila na balakid sa kaunlaran. Tama ang walang tigil-putukan, hangga’t magkaroon nang maayos na kasunduan para sa kapayapaan. Sa ngayon, hindi pa maganap iyan dahil sa mga hinihingi ng NDF. Sinabi na ni President Duterte na itigil na nila ang pagkolekta ng buwis, pero ayaw pumayag. Hangga’t walang maayos na kasunduan para sa kapa­yapaan, ang NDF, CPP at NPA ay mananatiling kalaban ng bansa. Hindi sila ang masusunod.

vuukle comment

NDF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with