^

PSN Opinyon

Nasa ‘extortion’ ang buhay ng NPA

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

REVOLUTIONARY tax ang tawag ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa kanilang sapilitang pang­hihingi ng pera sa mga mamamayan, lalu na sa mga negosyante. Pero para sa akin, ito ay isang uri ng “extortion” o pangingikil. Kaya naman ang isa sa mga kondis­yong hingi ni Presidente Duterte sa Communist Party of the Philippines/National Democratic Front, pati na sa NPA ay ihinto ang ganitong illegal na gawain. Palagay ko ay malabong itigil ng komunistang grupo ang ganitong aktibidad. Bakit? Dahil wala na silang ibang mapagkukunan ng pondo.

Hindi katulad noong kainitan ng rebolusyunaryong kilusan maraming dekada na ang nakararaan, malaking salapi ang tinatanggap na ayuda mula sa mga bansang sosyalista para maipagpatuloy ang kanilang simulain. Ngayon, pulos galing sa lokal na pinagmumulan ang pananalapi ng NPA. Napakasagwa ng sistema ng mga komunista dahil ang mga negosyong hindi nakapagbi­bigay sa kanila ng pondo ay sinusunog at winawasak ang mga gamit. Ito ay isa ring bagay na gustong mahinto ng Pa­ngulo kung ibig ng mga komunista na ituloy ang usapang pangkapayapaan. At tama naman ang Pangulo.

Ang ipinaglalaban “kuno” ng mga rebeldeng Komunista ay ang kahirapan at kawalan ng katarungan. Pero hindi makadiskarte ang gobyerno para paunlarin ang mga liblib na lugar sa bansa dahil inaambus ang mga tauhan ng pamahalaan na nagpapatupad ng proyekto. Malinaw ang motibo nila. Ayaw nilang umunlad ang bansa­ para magpatuloy ang kahirapan at maisulong pa rin ang laban­ nila hanggang sa lubus nilang maagaw ang pag­hahari sa pamahalaan. All or nothing, para sa mga komunista.

Pati mga heavy equipment na gamit sa paggawa ng mga imprastruktura ay winawasak o sinusunog nila. Ang sino mang pumapasok sa mga lugar na inaangkin nilang teritoryo ay hindi nakalalabas ng buhay. Kaya tumpak din ang Pangulo. Aniya, ni isang pulgadang lupa sa Pilipinas ay hindi puwedeng angkinin ng mga komunista dahil ito’y bahagi ng Pilipinas.

Kaya anang Pangulo, kung ayaw nilang tanggapin ang kanyang mga kondisyon, “tuloy ang bakbakan.” Ayaw nating lahat sa karahasan. Pero kung patuloy ang aktibidad na paghahasik ng ligalig, tung­kulin ng gobyerno na ipagtanggol ang bansa. Kasa­bay nito, bigyan ng pagkakataong sumuko yung ibig magbagong buhay sa pamamagitan ng amnestiya. Karamihan sa mga gerilya ng NPA ay hindi alam ang kanilang ipinaglalaban at nagagamit lang sila sa isang palsong simulain.

vuukle comment

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with