^

PSN Opinyon

‘Malalaswang sinehan’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

WALA talagang kadala-dala ang may-ari ng isang malas­wang sinehan sa Quezon City.  

 Ilang beses nang ni-raid ng mga awtoridad pero business at usual pa rin. Walang pakialam sa kalaswaan at kababuyang nangyayari sa loob ng kaniyang sinehan.

 Saan ka naman nakakita. Inaanay na ang buong establisimento pero dinarayo pa rin ng mga parukyano.     

 Hindi dahil sa mga ipinalalabas na pelikula bagkus dahil sa mga tumatambay na call boy at naghahanap ng panandaliang-aliw. 

 Sino ba naman ang gaganahan pumasok sa loob. Ang mga upuan, butas-butas. Walang aircon kaya napa­kainit. At ang amoy, nakakasulasok na hindi mo masikmura.   

 Pagpasok sa loob walang maaninag na tao maliban sa mga nagtataas-babang mga ulo sa pagitan ng mga nag­ti­timbuwangang bangko.        

 Iba-ibang uri ng tao ang mga parukyano at nagbibigay ng “serbisyo.” May bata, matatanda, propesyunal at walang trabaho. Kanya-kanya silang puwesto sa madidilim na sulok ng sinehan.     

 Mismong ang nakuha naming asset aminado sa mga posibleng maaari niyang maging sakit sa mga susunod na panahon.  Pero madalas pa rin daw siyang tumatambay sa lugar.

 Hindi na bago sa BITAG ang istorya ng mga malalaswang sinehan. Taon 2011, isang parukyano ang lumapit mismo sa aming tanggapan. Isinumbong ang matagal nang namamayagpag na patagong industriya o ang ben­tahan ng laman sa loob ng sinehan sa Quezon City.  

 Ang sinehan na ito rin ang itinuturo niyang sanhi at pi­nag­mulan ng kanyang sakit na panghabambuhay, ang HIV.

Ang nakakapagtaka, bakit hanggang ngayon bukas pa rin at naglipana ang mga malalaswang sinehan?    

Mukha yatang may nangyayaring kababalaghan. Tsk-tsk!  

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang mga palabas, mag-subscribe sa BITAG OFFICIAL YouTube channel.

vuukle comment

CALL BOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with