Iza umaasang makakapasa sa second review
Nabasa namin ang post ni Iza Calzado na “The past few days has been a little crazy and overwhelming for me. I appreciate the support of so many of my friends and even strangers!I believe that we, everyone behind BLISS will come i to an agreement with the MTRCB. I know that we can work together to give our audience the best version of the film that they deserve. Good vibes lang. Mabuhay!”
May ipinost din itong “We understand and respect the decision of the MTRCB reviewing committee regarding the film Bliss. We are currently going through the process of submitting an appeal for a second review and hope for a more favorable result.”
Ang abangan ng fans ni Iza at ibang cast ng movie ay kung sino ang three MTRCB members na magre-review muli sa pelikula. Sana sa second review, maging maganda ang resulta para maipalabas ang Bliss sa May 10.
Barbie pahinga muna sa mga lalaki
Nag-taping na si Barbie Forteza ng Lenten Special ng Eat...Bulaga na Home Sweet Home kasama sina Jake Ejercito at cast ng Trops na sina Miggy Tolentino, Kim Last, at Jon Timmons. Sa direction ni Linnet Zurbano, drama ang episode, ibang-iba sa Meant To Be na rom-com series.
Pahinga muna si Barbie sa MTB leading men niyang sina Ken Chan, Ivan Dorschner, Addy Raj, at Jak Roberto dahil iba ang kasama niya sa Lenten special.
Siniguro ni Barbie na iiyak ang viewers ‘pag napanood ang Home Sweet Home na tungkol sa relasyon ng isang pamilya. Si Barbie lang ang nag-iisang babae sa cast.
Samantala, nanalong Best Supporting Actress si Barbie sa 19th Gawad Pasado para sa pelikulang Tuos. Ka-tie niya si Aiko Melendez. Sa April 28, sa De La Salle University ang awards night.
Aktres tinitira ng kamag-anak na aktres
Inaaway ng fans ng kamag-anak niyang aktres ang isa pang aktres dahil hindi ito kasama sa pinasalamatan sa isang important event sa kanyang buhay. Lahat na raw ay pinasalamatan ng aktres, pero ang close relative niya ay never nabanggit ang pangalan.
May paliwanag dito ang aktres, paano nga naman niya pasasalamatan ang kamag-anak, eh wala naman ito sa okasyon. Tiyak imbitado ang kanyang kamag-anak na aktres, pero wala siya sa okasyon.
Sumama pa lalo ang loob ng supporters ng aktres dahil present sa okasyon ang second wife ng ama niya at ang ganda ng message ng kamag-anak na aktres sa kanya na “To my Nanay who is always just a phone call away, thank you po!”
- Latest