^

Police Metro

Rider nabagok, tepok

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Namatay habang nilalapatan ng lunas ang isang 29-anyos na motorcycle rider nang mabagok ang ulo nito nang bumagsak sa kalye matapos bumangga sa nakahintong tricycle sa intersection ng Teresa at Anonas Sts., sa Sta. Mesa, Maynila, noong Sabado ng madaling araw.

Ang nasawi ay kinilalang si Nicomedes Corong Y Pua  Jr., residente ng 125 Alcoy St., panulukan ng Agham Road, Quezon City.

Sa ulat, bago naganap ang aksidente dakong alas-2:30 ng madaling araw  sa harapan ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) ay nasa full stop umano ang isang tricycle (NA 11760) na minamaneho ni Eduardo Gulila, 40, barangay tanod sa lugar nang mabangga ng Yamaha Mio (1835 HY)  na minamaneho ng biktima.

Sa lakas ng pagkabangga  ay tumilapon ang biktima at bumagok umano ang ulo nito habang ang angkas na si Jho Osorio ay nasaktan din.

Ang dalawa ay isinugod sa UERM Hospital  at dakong alas-9:32 ng umaga nang ideklarang patay si Corong bunga ng pinsalang tinamo sa ulo.

vuukle comment

NICOMEDES CORONG Y PUA JR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with