^

PSN Showbiz

Kambal nina Zoren at Carmina mas gusto sa eskuwelahan

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Proud parents naman ang peg ngayon ng mag-asawang Zoren Legaspi at Carmina Villarroel dahil parehong honor students ang kanilang kambal na anak na sina Mavy at Cassy at nag-i-excel din sila sa sports in school.

Natutuwa rin ang mag-asawa na priority ng kanilang teen twins ang kanilang pag-aaral kaysa pumasok ng showbiz.

YFSF Kids papalitan ng mga teen

Sa April 9 na magtatapos ang Your Face Sounds Fami­liar Kids na tinatampukan nina Alonzo Muhlach, Andree Ca­mille `AC’ Bonifacio, McNeal `Awra’ Briguela, Elha Nympha, Justin Alva, Lyca Gairanod, Sam Shoaf, at Xia Vigor.

Sino kaya sa walong participants ang makakapag-uwi ng P2-M grand prize?

Samantala, immediately after Your Face Sounds Familiar Kids hosted by Billy Crawford kung saan naman tumatayong judges sina Sharon Cuneta, Gary Valenciano, at Ogie Alcasid ay magsisimula naman ang bagong season ng The Voice Teens edition to be hosted nina Luis Manzano at Toni Gonzaga habang sina Lea Salonga, Bamboo Mañalac, Sharon Cuneta, at Sarah Geronimo naman ang mga tatayong coaches.  Balik si Sarah sa pagi­ging coach.

Sofia ayaw ng pulitika

Very confident ang Viva big boss na si Boss Vic del Rosario na malayo ang mararating ng panganay na anak ng mag-asawang Alfred at Cristina `Kring-Kring’ Romualdez na si Sofia Gonzalez Romualdez.

Si Alfred ay three-term mayor ng Tacloban habang si Kring-Kring naman ang nakaupong mayor ngayon ng siyudad.

At 17, unti-unti na ring nawawala ang pagka-shy ni Sofia magmula nang umpisahan ang kanyang singing and showbiz career.

Kung dati-rati’y gusto lamang niyang mag-focus sa kanyang singing career, ngayon ay bukas na siya sa posibilidad na pasukin din ang larangan ng pag-arte, pagbi-VJ, at pagiging isang host.

Napaka-talented ni Sofia dahil mahilig din itong mag-compose ng songs.

“I want to record some of my own compositions,” request niya sa Viva big boss na si Boss Vic del Rosario.

Ang pagiging musically-inclined ni Sofia ay hindi kataka-taka dahil nagmula siya sa isang showbiz royalty. Lolo niya ang dating matinee idol na si Jose Mari Gonza­les na siya ring may-ari noon ng No. 1 recording studio ng Pilipinas, ang Cinema Audio. Singer-actress naman ang ina ni Sofia na si Kring-Kring.

 Gusto rin ba ni Sofia na sundan ang yapak ng kanyang mga magulang na pasukin din nito ang pulitika balang araw.

“I don’t see myself entering politics. Maybe not for now. Singing talaga ang gusto ko,” deklara pa ni Sofia na ang debut single na pinamagatang Pikit-Mata ay isa sa mga kinagigiliwan ngayon ng mga millennial.

Clarence Delgado napagsasabay ang showbiz at pag-aaral

Nakakatuwa ang cute child actor na si Clarence Delgado dahil sa kabila ng kanyang busy schedule sa showbiz ay hindi nito pinababayaan ang kanyang pag-aaral. Katunayan, nagtapos ng elementary last Wednesday (March 29) si Clarence sa Immaculate Concepcion Cathedral School in Lantana, Cubao, Quezon City with honors.

Si Clarence ay nasa long-running kiddie gag show na Goin’ Bulilit at ang weekly sitcom na Home Sweetie Home.

vuukle comment

KAMBAL NINA ZOREN AT CARMINA MAS GUSTO SA ESKUWELAHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with