^

Pang Movies

Agad-agad Ronnie nagpapatayo ng mansion sa bonggang subdivision

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Pinapayuhan si Ronnie Alonte sa dumaan sa acting workshop.

Bukod kasi ng series na A Love To Last kung saan ang taping ay halos araw-araw, busy rin siya bilang member ng grupong #Hashtags.

Abala rin si Ronnie sa bahay na kasalukuyang ipinatatayo niya sa isang kilalang subdivision sa Biñan, Laguna, malapit sa subdivision kung saan nandoon naman ang kanilang family residence.

Tirso wala sa hitsurang 65 na

Tirso Cruz III, or to his friends and showbiz colleagues, simply Pip, turned 65 years old yesterday (April 1).

Yet, no one will argue, especially his wife, Lyn na ‘yun ang edad niya.

Wala ring bakas na, kung hindi sa maagap na medication ng kanilang family doctor ay baka nagka-cancer siya.

Naging busy si Pip sa tatlong proyekto. Kasama siya sa cast ng currently showing Piolo Pascual-Yen Santos movie, ang Northern Lights: A Journey To Love.

“May love interest ako sa movie,” sabi ni Pip na nakangiti. “I have Sandy Andolong playing my wife.

“Apo namin dito ang child actor na si Raikko Mateo.”

Ironically, in real life, wala pa silang apo ng kanyang misis na si Lyn sa kanilang tatlong anak na dalawang lalaki at isang babae.

‘Kamamatay’ lang ni Pip sa ongoing series na Wildflower kung saan ay gumanap siya bilang corrupt and abusive governor ng isang province.

Si Maja Salvador ang bida sa said series.

Tatay naman siya ni Ian Vene­racion sa currently trending series movie, A Love To Last.

Bong at Lani, no comment sa relasyon ni Jolo kay Jodi

Proud na proud si former Senator Bong Revilla, Salve A., sa recent honor na tinanggap ng asawang si Lani Mercado from the Superbrand Marketing, bilang Most Outstanding Mayor ng taong 2017.

Ito ang first award na natanggap ni Mayor Lani mula nang ma-elect siya bilang Alkalde ng Bacoor City kung saan ang eldest sister ni Sen. Bong na si Rowena Mendiola ay isa namang councilor.

Ang dating naka-puwestong Mayor ng Bacoor for three terms ay ang nakababatang kapatid ni Sen. Bong na si Strike Revilla.

Ngayon ay nagsisilbi siya (Strike) bilang representative ng siyudad, which was the former office na pinagsilbihan din ni Mayor Lani for three terms. And where she, likewise, received several awards as Most Outstanding Representative.

Mayor Lani acknowledged the help ng panganay nila ni Bong na si  Bryan who serves as his Chief of Staff. Bryan is a graduate of Foreign Service course from De La Salle University.

May girlfriend si Bryan na approve both ang kanyang parents. Isa itong dermatologist.

According to Senator Bong, kung siya ang masusunod, gugustuhin niyang mag-asawa na si Bryan.

Samantala, ayaw mag-comment ng either ni Sen. Bong or Mayor Lani tungkol naman sa relasyon ng anak na si Cavite Vice Governor Jolo Revilla sa aktres na si Jodi Sta. Maria.  Basta ang prayer daw nilang mag-asawa, ayon kay Mayor Lani, makatagpo ang dalawang anak na lalaki ng mababait at maunawaing asawa.

May dalawang apo sila sa panganay nilang babae na si Inah at sa asawa nitong si Vince del Rosario.

vuukle comment

RONNIE ALONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with