^

PSN Palaro

Debut ng Ginebra diniskaril ng Phoenix

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Kabiguan kaagad ang nalasap ng Gin Kings sa kanilang unang laro.

Nalampasan ng Phoenix ang matinding ratsada ng Barangay Ginebra sa final canto para itakas ang 94-91 panalo sa 2017 PBA Commissioner’s Cup sa dinumog na University of Southeastern Philippines Gym sa Davao City.

Tumapos si rookie Matthew Wright na may 27 points, tampok dito ang 3-of-7 shooting sa three-point line, bukod pa sa 6 rebounds at 3 assists para sa 2-2 baraha ng Fuel Masters.

Ito naman ang unang kabiguan ng Gin Kings para sa kanilang debut game sa mid-season conference.

Ang dunk ni JC Intal sa mukha ni balik-import Justin Brown Lee ang nagbigay sa Phoenix ng 11-point lead, 44-33  sa 4:46 minuto ng second period hanggang maagaw ng Ginebra ang 76-72 abante sa 8:42 minuto ng fourth quarter.

Huling napasakamay ng Gin Kings ang bentahe sa 91-90 mula sa jumper ni Japeth Aguilar sa 1:45 minuto ng labanan kasunod ang basket ni import Jameel McKay para sa 92-91 abante ng Fuel Masters sa natitirang 18.6 segundo ng labanan.

Samantala, tatargetin ng Meralco ang kanilang pang-limang sunod na pa­nalo para patuloy na solohin ang liderato sa pagsagupa sa San Miguel ngayong alas-6:45 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Sa unang laro sa alas-4:30 ng hapon ay pupuntiryahin naman ng Alaska ang ikatlong dikit na pa­nanalasa sa pakikipagtuos sa nagdedepensang Rain or Shine.

Nagmula ang Bolts sa 89-83 pagkuryente sa Elasto Pain­ters kung saan humakot si import Alex Stepheson ng 21 poinst at 15 rebounds, habang nagtala si guard Baser Amer ng 17 markers at 11 boards noong nakaraang Miyerkules.

Phoenix 94 - Wright 27, McKay 15, Baguio 13, Jazul 9, Torres 7, Kramer 6, Borboran 5, Alolino 4, Intal 4, Eriobu 2, Miranda 0, J. Wilson 0, Viernes 0.

Ginebra 91 - Aguilar 15, Devance 15, Tenorio 13, Brownlee 12, Cruz 10, Ellis 9, Caguioa 8, Thompson 5, Marcelo 2, Taha 1, Ferrer 1.

Quarterscores: 26-24; 49-46; 70-71; 94-91.

 

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with