^

Police Metro

MMDA makikipagpulong sa Meralco

Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakatakdang makipagpulong ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pamunuan ng Manila Electric Company (MERALCO)  para buksan ang ilang kalye na nasa kanilang hurisdiksiyon na naglalayong mapaluwag ang daloy ng trapiko sa ilang mga  pangunahing lansangan sa Kalakhang Maynila tulad ng Julia Vargas St., patu­ngong C5-Road.

Ayon kay MMDA General Manager Thomas “Tim” Orbos,  inaasahan nila ang positibong tugon ng MERALCO sa kanilang panukala. Sinabi ni Orbos ang pagbubukas ng kalye kahit sa ilang pribadong kumpanya  ay parte ng aksiyon ng pamahalaan upang maresolbahan ang matinding trapik sa Metro Manila.

Kamakailan ay nakipagpulong ang MMDA sa Homeowners Association  ng Corinthian Garden hinggil sa kanilang hiling na buksan sa mga pribadong motorista ang ilan nilang mga kalye na pumayag naman bagaman may ilang mga inilatag na kondisyon para sa kanilang seguridad.

Magugunita na  nauna nang binuksan ng MMDA ang Camp Aguinaldo, Veterans Memorial Medical Center  at  Bonifacio Naval Station  para maging alternatibong daanan ng mga pribadong motorista na makaiwas sa trapik. 

 

vuukle comment

MERALCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with