^

Bansa

Faeldon ‘di raw papalitan sa Customs

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Walang katotohanan na papalitan na si Bureau of Customs (BoC) Commissioner Nicanor Faeldon.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, hindi totoo ang tsismis na may nilagdaang appointment paper si Exe­cutive Secretary Salvador Medialdea na nagtatalaga sa isang indibidwal bilang kapalit ni Faeldon sa BoC.

Ayon kay Abella, wa­lang opisyal na pahayag ang tanggapan ni ES Medialdea na sumisibak kay Faeldon sa BoC at ang magiging kapalit daw nito ay isang “Victorino”.

May kumalat na text messages sa mga nakaraan na isang “Victorino” ang ipapalit umano kay Faeldon na ayon na rin sa pamunuan ng ahensiya ay disinformation lang sa harap ng maigting na pagsugpo sa korapsiyon sa BoC.

vuukle comment

BUREAU OF CUSTOMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with