^

Bansa

Gina kay Dominguez: Hindi ikaw ang boss ko!

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Hindi uurungan ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Sec. Gina Lopez si Finance Secretary Sonny Dominguez at iginiit na mag-Presidente muna ito bago n’ya ito sundin.

Tila napuno na si Lopez sa aniya’y panghihimasok ng kapwa gabineteng si Dominguez kaya matapang itong nagpahayag ng mga katagang “you’re not my boss, only the President can tell me what to do.”

Pinaratangan ni Lopez si Dominguez ng pang-aagaw sa kapangyarihan sa DENR.

Sa panayam nitong Lunes sa ANC, iginiit ni Lopez na si Dominguez ang nagtulak sa pagpapalawig sa Mining Industry Coordinating Council (MICC) noong Pebrero para pabagsakin ang kanyang desisyong ipasara ang 23 minahan at suspendihin ang limang iba pang mining companies.

Wika pa ni Lopez, na si Dominguez na limang taong naging top mining executive ay hindi sumunod sa due process sa usapin ng pagpapasara ng minahan.

“When Sonny Dominguez said that he will spend P50 million to review mining operations, it seemed to me like spending money to do something which is similar to a usurpation of powers. You’re not supposed to do that,” ayon kay Lopez.

Para sa kalihim ng DENR ang mining audit ay tapos na kaya off-limits na ito sa MICC.

“The audit is finished, I’ve already made my decision. I think this is Sonny’s idea, he wanted to do something more, whatever. But if you’re not going to evaluate from the lens of social justice, I’m not there,” resbak pa ni Lopez. 

Sinabi pa ng DENR chief na sa kauna-una­hang MICC meeting ay sinabi niyang wala siyang kamuwang-muwang nang  pumirma sa gagawing review sa mining operation kaya basta na lamang umano siya pumirma sa MICC na nagtatalaga sa kanya at kay Dominguez na mag-co-chair na tila baga iparebyu ang kanyang naging desisyon na ipasara ang mga minahan

“There’s no compromise. There was just some confusion when I naively signed this thing. But I  am not a lawyer and after that, I found out that the only entity which is mandated to review mining operation is actually DENR,” paliwanag ni Lopez.

Ayon kay Lopez ang tanging papel ng MICC ay “purely recommendatory” kaya dapat nitong irespeto ang regulatory powers ng DENR. Nakatakdang dumalo si Lopez sa susunod na Cabinet meeting sa Abril 3.

Nagpahayag din ng pasasalamat si Lopez kay Pangulong Duterte dahil sa patuloy na suporta sa kanyang matigas na paninindigan sa ginawang pagpapasara sa mga minahan sa kabila ng matinding pag-lobby na nangyari sa Commission on Appointments (CA) kontra sa kanyang appointment. 

vuukle comment

GINA LOPEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with