Kagawad, 5 pa tiklo sa droga
COTABATO CITY, Maguindanao, Philippines - Arestado ang isang barangay kagawad at limang iba pa sa isinagawang magkahiwalay drug operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-ARMM) sa Cotabato City, Maguindanao kamakalawa ng hapon. Unang naaresto sa bahagi ng Tenorio, Awang sa Datu Odin Sinsuat ang suspek na si Kagawad Razul Diocolano Imam, 29, ng Barangay Banobo sa Sultan Kudarat. Samantala, arestado rin sa inilatag na buy-bust operation ang mag-asawang Rogelio Bolo at Laila Bolo kasama ang dalawa pang suspek na sina Mohamad Casan, 24; at Alias Arumpac, 28, mga nakatira sa Cotabato City. Nasamsam sa mga suspek ang 20 gramo ng shabu at mga drug paraphernalia.
- Latest