^

Probinsiya

Municipal councilor, itinumba

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines -  Pinabulagta ang beteranong municipal councilor na sinasabing nasa huling termino na nito matapos pagbabarilin ng mga hindi kilalang lalaki sa loob ng kanyang resthouse sa Barangay Zamora, bayan ng Cabarroguis, Quirino noong Martes ng gabi.

Sa inisyal na police report, tadtad ng bala ang katawan ni Councilor Alberto Ting­layan na nag-iisa lamang sa nasabing lugar nang pasukin ng gunmen. 

Nabatid na nasa Barangay Banasan ang pamilya ng biktima nang maganap ang pamamaril. Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal.45 pistol.

Nabatid na nasa ikatlong termino na ang biktima na sinasabing may balak lumahok sa mayoralty race o kaya vice mayor sa susunod na eleksiyon.

Inaalam pa rin ng pulisya kung may kaugnayan din sa negosyo ng biktima na furniture making at pagmimina ang isa motibo sa pamamaslang.

 

vuukle comment

ALBERTO TING­LAYAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with