^

Punto Mo

Banta ng EU, ’wag balewalain

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

HINDI dapat balewalain ng gobyerno ang sinasabing banta ng European Union (EU) sa pagpapataw ng economic sanctions sa Pi-lipinas.

Ang bantang ito ng EU ay may kinalaman sa kanilang pagkuwestiyon sa mga ulat na umano’y extra judicial killings (EJKs) sa Pilipinas na may kaugnayan sa giyera laban sa iligal na droga.

Tataasan din umano ng EU ang pagpapataw ng buwis sa mga exports o iniluluwas na produkto ng Pilipinas sa mga bansang kasapi ng EU.

Ang mga ganitong banta ay hindi dapat balewalain bagkus ay dapat kumilos ang mga miyembro ng Gabinete ng Preisdente at iba pang opisyal ng gobyerno.

Mas makakabuting ipaliwanag sa EU at international community ang kahalagahan ng kampanya laban sa iligal na droga at kung may namamatay man ay hindi dapat ibintang sa gobyerno partikular ang tinatawag na EJKs.

Nauunawaan natin ang pinaghuhugutan ng mga banat ni Pres. Duterte sa mga bumabatikos sa kanyang kampanya laban sa illegal drugs.

Pero hindi dapat makipagsabayan at makigatong ang     mga miyembro ng Gabinete.

Isang halimbawa rito ay si DSWD assistant secretary Lorraine Badoy na naglabas ng iresponsableng pahayag laban sa EU na tila nakalimutang siya ay isang opisyal ng gobyerno.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko kung gaano ka diehard Duterte supporter si Badoy pero dapat ay isaalang-alang niya ang hinahawakang posisyon sa gobyerno.

Binuweltahan kasi ni Badoy ang EU na atupagin na lang umano ang child pornography sa halip na batikusin ang war on drugs na hindi naman nagustuhan ng EU.

Sa isyung ito kung magdesisyon ang EU ng economic sanctions ay walang mawawala sa kanila pero may malaking epekto ito sa ekonomiya ng Pilipinas kaya dapat itong ayusin ng mga opisyal ng gobyerno upang baguhin ang persepsiyon na maraming paglabag sa karapatang pantao ang war on drugs sa Pilipinas.

vuukle comment

EUROPEAN UNION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with