^

PSN Opinyon

Nakaalis na kaya?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

HINDI pa sumusuko si Fredison Atienza, ang suspek sa pagpatay kay Anthony Mendoza sa kanto ng Quezon Ave. at D. Tuazon noong Pebrero 25. Naghintay ang mga pulis sa Camp Karingal, nang makatanggap ng “surrender fee-lers” daw mula kay Atienza sa pamamagitan ng abogado. Ang sumuko ay ang kanyang Toyota Land Cruiser, na dinala ng kaibigan daw niya. Ano naman kaya ang silbi ng pagbigay ng sasakyan sa mga pulis? Ang sasakyan ang kakasuhan? Ang sasakyan ang ikukulong? Baka naman inireregalo na ang Land Cruiser? Nalaman din na dalawa sa baril na naka-rehistro sa pangalan ni Atienza ay expired na ang mga lisensya. Ang baril na ginamit sa pagpatay kay Mendoza ay nine millimeter. Batay sa mga rekord, may nine millimeter at kalibre .45 si Atienza. Bakit hindi isinuko ang baril?

Hindi rin bumebenta sa mga otoridad ang tila pinala-labas na dahilan ni Atienza kung bakit niya binaril si Mendoza ay akala ay riding-in-tandem ang magkapatid. May argumentong naganap, kung saan nagsagutan pa ang biktima at salarin, kaya paano magiging riding-in-tandem? Akala siguro ay mahihina ang ulo ng mga imbestigador, at wala ring saysay na may testigo sa pagpatay kay Mendoza.

Patuloy naman daw ang paghahanap sa kanya ng mga pulis. Mas nalalagay nga daw sa peligro si Atienza kung hindi pa susuko nang maayos, dahil “armed and dange-rous” ang turing sa kanya. Ibig sabihin, nakahan­da ang mga pulis na ipagtanggol ang sarili nila, sa pamamagitan ng barilan kung kinakailangan. Hindi na kailangang sabihin iyan. Lagi naman handa sa barilan ang mga pulis sa lahat ng okasyon at sitwasyon, hindi ba? Pero dapat nga sumuko na siya, bago maglabas ng mas mabigat na “dead or alive” na utos ang hepe ng PNP. Siguro naman may hold departure order na sa kanya, o lookout bulletin sa immigration, para hindi makatakas ng bansa. Baka naman nakaalis na? 

Hindi ko talaga alam ang iniisip ng taong ito. Hindi na nga lisensiyado ang baril, at alitan lang sa kalsada ay pumatay na ng tao? May kilala ba ito na malakas sa gobyerno at tila walang takot makulong? Ano na ang mangyayari sa buhay niya ngayon? Ang balita ko ay sugarol, mahilig sa poker, at sumasali sa mga paligsahan sa casino. Natalo ba nang malaki kaya mainit ang ulo? Kung ganun, isa na naman itong dahilan kung bakit walang saysay ang magsugal. Matatalo ka talaga, sa lahat nang bagay.

vuukle comment

FREDISON ATIENZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with