^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Sige, ituloy ang pagwalis sa mga lumang dyipni

Pilipino Star Ngayon

MAY bagong banta ang transport groups na  magsasagawa uli sila ng tigil-pasada kapag hindi itinigil ng Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang balak na pag-phase out sa mga lumang dyipni. At mas malaki raw o mas malawak ang gagawin nilang tigil-pasada.

Ang bantang ito ay pananakot na sa LTFRB. Tila pagmenos na ito sa kakayahan ng LTFRB. Hindi natatakot ang mga lider ng transport group sa LTFRB at nagbabanta pa o naghahamon. Hindi ito dapat palampasin ng LTFRB. Dapat ipakita nila na mayroon silang pangil at hindi puwedeng pagbantaan. Kanselahin na ang prankisa ng mga jeepney na nag-strike.

Noong Lunes, isinagawa ang ikalawang tigil-pasada sa maraming panig ng bansa at mara-ming commuters ang na-stranded. Kung hindi sinuspende ang klase sa lahat nang level baka mas marami ang apektado. Sabi ng grupong Piston at No Jeepney Phase Out Coalition, hindi raw makatao ang balak ng LTFRB na i-phase out ang mga lumang jeepney. Dapat daw ay i-rehabilitate ang mga ito para hindi mawalan ng ikabubuhay ang mga driver.

Ayon sa LTFRB, ang mga lumang sasakyan na kinabibilangan ng mga dyipni ang nagdudulot ng air pollution na dahilan nang pagkakasakit ng mamamayan. Ang mga lumang dyipni rin ang dahilan ng mga malalagim na aksidente sapagkat sira na ang preno. Sinasagasaan ang pedestrians at mga bahay.

Ituloy ng LTFRB ang pag-phase out sa mga lumang sasakyan lalo ang jeepney para maging malinis ang hangin. Ayon sa DENR, 80 porsiyento ng emissions o usok ay galing sa mga tambutso ng sasakyan. Sila ang lumalason sa hangin kaya nagkakasakit ang mga tao.

Huwag matakot ang LTFRB sa banta ng transport groups na titigil sila sa pagpasada. Mas magandang magtigil pasada sila para wala nang makakaabala sa kalsada. Karamihan sa mga jeepney drayber ay walang disiplina.

vuukle comment

EDITORYAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with