^

Pang Movies

Shaina hindi husband material ang tingin kay Piolo!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Natatawa na lang si Shaina Magdayao na parang mas naiinip pa ang mga tao kaysa sa kanya na magkaroon na siya ng boyfriend. Kung siya ang tatanungin ay hindi naman daw siya nagmamadali at talagang waiting patiently daw siyang right guy for her.

 Biniro nga rin ang dalaga kung okay ba sa kanya na talbog siya ng ate Vina Morales niya when it comes to love life since as we all know nga ay very happy ang kapatid niya sa non-showbiz boyfriend nito ngayon.

 “Naghintay din naman siya ng matagal for the right person, ako rin, maybe, I’m at this point in my life na I really value the word ‘commitment’ kaya siguro, I’m also taking my time para the next person, whoever that person is, ‘yun na ‘yun.”

Marami nga ang nagwi-wish na sana ay sila na nga ni Piolo Pascual pero say ng aktres, basta sa ngayon ay hindi naman daw siya nagmamadali.

Pero nakikita ba niya kay Piolo ang pagiging husband-material?

 “He’s a very good person and he’s been a good friend to me. Sa ganun’g aspeto, hindi ko pa siya masyadong kilala kasi for me, masyadong heavy ang husband, ha? Ang life partner, hindi siya random thing lang.

 “Pero kung sa mabait, oo, mabait. Pero sa aspeto na ‘yun, hindi ko pa siya masyadong. . .”

Pero hindi ba siya nanghihinayang na baka sa sobrang focused niya sa career ay mapunta sa iba si Piolo?

 “Ang akin kasi, not just love life, but projects also, if it’s really for you, if it’s really meant for you, you don’t even have to lift a finger, mabibigay at mabibigay ‘yan sa ‘yo.

 “The same thing with an individual, kung siya ang tamang tao for you, dadating at dadating ‘yan in God’s perfect time. It shouldn’t be hard, you know. Hindi siya magiging struggle kasi he’s the perfect one for you. So, maghintay na lang tayo, kumalma lang tayo,” pahayag ng The Better Half lead star.

Fans nina Kim at Gerald nakikipagbakbakan sa Aldub

May rivalry na nagaganap ngayon sa dalawang mala­king teleserye ng dalawa ring hottest love team of today – ang Destined To be Yours ng AlDub (Alden Ri­chards and Maine Mendoza) from GMA 7 at ang Ikaw Lang ang Iibigin ng Kimerald (Kim Chiu and Gerald Anderson) sa ABS-CBN naman.

Nagsimula na ang AlDub starrer last Monday habang ang sa Kimerald ay magsisimula pa lang.

Sa tindi ng kompetensiya, may online poll pa na isinagawa ang isang showbiz website kung alin daw sa Destined to be Yours and Ikaw Lang ang Iibigin ang mas exciting.

As of today, lamang ng milya-milya ang Ikaw Lang ang Iibigin dahil umabot na ang boto nito sa 138, 360 votes o 80% habang ang Destined to be Yours ay 35, 631 votes or 20% pa lamang. Siyempre, credits should go to Kimerald fans na napakasipag bumoto considering na medyo matagal-tagal na ring buwag ang loveteam nina Kim and Gerald at ito nga ang reunion nila pagkatapos nang mahaba-habang taon.

Well, ‘yun siguro ang mas naka-excite sa mga fans – ‘yung pagkaka-miss nila sa kanilang idolo na matagal nang hindi nagsasama.

Sana lang, huwag puro boto ang Kimerald fans at talagang manood ng serye once it gets to be aired para naman maging top-rating din ang show, di ba naman?

 

vuukle comment

SHAINA MAGDAYAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with