^

Pang Movies

Malayo kay Maxine, anak nina Boyet at Sandy malakas ang laban sa binibini!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Suportado ng mag-asawang Christopher de Leon at Sandy Andolong ang second attempt sa Bb. Pilipinas ng kanilang anak na si Mariel.

Hindi pa ganap na dalaga si Mariel nang mag-join ito sa Bb. Pilipinas noong 2013 pero ngayong 22-years old na siya, beauty queen material na talaga ang anak nina Boyet at Sandy.

Pinaghandaan ni Mariel ang muling pagsali niya sa Bb. Pilipinas 2017. Ang grupo ng Aces & Queens na pinangu­ngunahan ni Jonas Gaffud ang nag-training sa kanya.

Sa totoo lang, marami ang nagsabi na siguradong nag-win si Mariel ng beauty title sa Bb. Pilipinas kung sumali siya noong nakaraang taon pero para sa kanya, ang 2017 ang tamang panahon.

Nakita ko na ang mga bagong litrato ni Mariel at nagulat ako dahil  parang bulaklak na in full bloom ang beauty niya.

Kumbinsido ako na mapapansin at magkakaroon ng puwesto si Mariel sa Bb. Pilipinas 2017. Hindi magiging problema sa kanya ang question and answer dahil ibang-iba siya kay Maxine Medina.

Jim pinaglaruan ni Miguel Vera

Funny ang music video na ginawa ng US-based singer na si Miguel Vera at dedicated para kay Jim Paredes.

May-I-sing ni Miguel ang old hit song ng APO, ang Awit ng Barkada pero pinalitan niya ang lyrics at ibinagay sa mga nangyari sa EDSA rally noong Sabado.

Kung mapapanood ni Jim ang kanta ni Miguel, tiyak na hindi siya matutuwa.’Yun lang!

Destined… nakakuha ng 22%

Rejoicing ang GMA 7 dahil sa mataas na rating ng pilot episode ng Destined to be Yours, ang first ever primetime teleserye ng loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Nakakuha ng rating ng 22.5% sa Nationwide Urban Television Audience Measurement (NUTAM) ng AGB Nielsen ang Destined to be Yours.

Siyempre, happy ang GMA 7 dahil sa mainit na pagtanggap ng televiewers sa romantic teleserye nina Alden at Maine na nagpapasalamat sa walang sawa na suporta ng fans sa kanilang mga project.

Steve Harvey nagpaliwanag sa mali ng Oscars

Apat na minuto pala ang nakalipas bago iwinasto ng mga producer ng Miss Universe 2015 ang wrong winner announcement ni Steve Harvey na si Miss Colombia Ariadna Gutierrez ang nanalo, hindi ang tunay na winner na si Pia Wurtzbach ng Pilipinas.

Mismong si Steve ang nagkuwento dahil sa nangyari kay Warren Beatty sa 89th Academy Awards. Nag-ala-Steve Harvey si Warren dahil ang La La Land at hindi ang Moonlight ang sinabi niya na nanalo sa best picture ca­tegory ng Oscar Awards.

“At least the producers of the Oscars on that show stood with him. They corrected their mistake that night, at that moment. Unlike in my situation, nearly four minutes went by.

“I remember it like it happened yesterday. They handed me a card with three names. When we rehearsed it, we only had two names, all week long. When we got to the night, they put a third name and they won’t do first runner-up,” ang sharing in the city ni Steve sa kanyang radio program.

 

vuukle comment

CHRISTOPHER DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with