^

PSN Palaro

Game 7?

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

 Kung ako ang director, mananalo ang San Miguel Beer kontra Ginebra mamayang gabi sa Smart Araneta Coliseum.

 Yan ay kung scripted ang kanilang best-of-seven series para sa PBA Philippine Cup title.

 Nanalo ang San Miguel sa Game 1 ng milya-milya. Pero nang inakala ng iba na no match ang Ginebra ay bumalik bigla ang crowd favorites.

 Pinanalo nila ang Game 2 sa overtime nung Linggo sa Lucena.

 Tabla na ang serye sa 1-1.

 Kaya mamaya, San Miguel naman ang magsusubok bumawi.

At kung ipanalo nga nila ang laro ay balik ang kalamangan sa kanila.

Panalo, tabla, panalo, tabla hanggang umabot tayo sa Game 7. Yan naman ang gusto ng fans. Isang mahabang serye na magtatapos sa isang do-or-die game.

 Ganyan din ang nangyari sa semifinals nang umabot sa Game 7 ang dalawang serye – ang San Miguel Beer versus Talk N Text at Ginebra versus Star.

 Parang usong-uso ang Game 7 sa PBA ngayon.

 Kaya naman hindi ako magugulat kung makakita na naman tayo ng Game 7 sa finals.

 Naniniwala ako na llamado pa rin ang San Miguel kahit na nga natalo sila sa huling laro. Isang dahilan dito ay ang higanteng si June Mar Fajardo.

 Graduate si Fajardo sa Game 2. Napituhan nang napituhan.

 Tiyak mag-iingat sa fouls mamaya si June Mar dahil kailangan siya sa loob ng court lalu na kung dikitan ang ending.

 Sundin natin ang script.

vuukle comment

PBA PHILIPPINE CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with