^

PSN Palaro

Cignal dumiretso sa quarterfinals

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Binomba ng Cignal-San Beda ang Victoria Sports, 83-68 upang masolo ang liderato at masikwat ang unang tiket sa quarterfinals sa 2017 PBA D-League Aspirants’ Cup kagabi sa JCSGO Gym sa Cubao.

 Nasungkit ng Cignal ang ikaanim na panalo sa pitong laro para sumulong sa unahan ng standings habang naiwan sa sosyong ikalawa ang Racal at Cafe France na may parehong 5-1 marka.

Pinangunahan ni Andres Cahilig ang Cignal nang kumunekta ito ng 13 puntos, tatlong rebounds at isang steal.

Gumulong naman sa 1-6 ang Victoria.

Sa unang laro, pinakain ng bula ng Batangas ang Blustar Detergent sa pamamagitan ng 92-68 demolisyon upang makuha ang ikalawang sunod na panalo.

Nagsumite si Joseph Sedurifa ng impresibong 21 puntos, 12 rebounds at apat na assists habang umariba rin si Dan Sara ng 14 markers, siyam na assists at apat na boards para dalhin ang Batangueños sa 3-4 rekord.

“Syempre kung kaya manalo, ipapanalo. But we’re not in a hurry. Lahat ng nangyayari sa amin, bonus na lang,” pahayag ni Batangas coach Eric Gonzales.

Nagparamdam din ng lakas si Cedrick Ablaza na may double-double na 13 puntos, 14 rebounds at apat na steals.

“Kung titingnan mo yung playoff as a goal, our next game against Tanduay is a make or break. But for us, we’re happy with what we have right now, we try to improve on that, and what we improved on, we’ll try to build on that pa,” dagdag ni Gonzales.

Nanguna si Tristan Pe­rez para sa Blustar nang kumana ito ng 19 puntos at pitong rebounds samantalang naglista si Jason Melano ng 17 markers, walong boards, tatlong assists at dalawang blocks.

Ito ang ikaanim na sunod na kabiguan ng Dragons upang tuluyang mamaalam sa kontensiyon sa liga.  

 

vuukle comment

ANDRES CAHILIG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with