^

PSN Palaro

UP sososyo uli sa itaas

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Matapos madungisan ang rekord, gigil na ma­kabawi ang University of the Philippines sa pakiki­pagtipan sa Far  Eas­tern University sa pagpapatuloy ng UAAP Season 79 wo­men’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Magkukrus ang landas ng Lady Maroons at Lady Tamaraws sa alas-2 ng hapon  kasunod ang duwelo ng National University at University of Santo Tomas sa alas-4.

Lumasap ng unang ka­biguan ang UP nang yumuko ito sa Ateneo, 14-25, 19-25, 21-25 noong Linggo upang mahulog sa ikatlong puwesto tangan ang 4-1 baraha.

Napunta ang liderato sa Ateneo at reigning cham­pion La Salle  na may parehong 5-1 baraha.

Kaya naman inaasahang ibubuhos ng Lady Maroons ang kanilang ngitngit sa Lady Tamaraws sa oras na magharap ang dalawang paboritong koponan.

Papalo para sa UP sina sophomore Diana Carlos at Isa Molde na parehong gumawa ng 12 puntos sa kanilang huling laro su­balit kinakailangan nina Katherine Bersola, Marian Buitre at Nicole Tiamzon na magbigay ng malaking kontribusyon.

Nalimitahan lamang sa pinagsama-samang 10 puntos sina Bersola, Buitre at Tiamzon kasama pa ang 22 errors na nagawa ng Lady Maroons.

Haharap ang UP sa ma­tikas na FEU na galing sa dalawang sunod na panalo kabilang ang 25-20, 25-13, 22-25, 25-20 pananaig laban sa NU.

vuukle comment

LADY MAROONS AT LADY TAMARAWS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with