Anomalous Project ng DOTr
Dumanas ng matinding pagtuligsa sa House of Representatives ang proyekto ng Department of Transportation (DOTr) sa Integrated Passenger Terminal, lalu na sa South at Southwest terminals.
Iregular daw, anang dalawang Kongresista sa Mababang Kapulungan na sina Reps, Gwendolyn Garcia at Manuel “Manny” Lopez. Si Sarmiento ang namumuno sa committee on transportation na duminig sa naturang proyekto sa pamumuno ni Rep. Cesar Sarmiento.
Sa hearing ng komite ng transportasyon, nagpahayag ng pagkadismaya si Manila Rep. Manuel “Manny” Lopez na ang mga kontrata na dapat tutulong sa mga karaniwang mamamayan ay napagsasamantalahan”.
Tinawag na “onerous” ni Lopez ang kontrata sa pagpapatupad ng proyekto. Samantala, binatikos ni Cebu Rep. Gwendolyn Garcia ang aniya’y maanomalyang proyekto sa integrated terminal ng DOTr.
Kung susuriin kasi, tila nakakiling sa malalaking negosyante o oligarch ang kontrata kaysa taumbayan na dapat pagsilbihan. Nakakalungkot nga naman na habang ipinangangalandakan ni Presidente Duterte ang determinasyong labanan ang korapsyon ay may ganitong klase ng mga anomalya.
Anang Tondo, Kongresman, “ayaw ko ho pati na ang mga kasamahan ko sa komite na ito ay maging bahagi ng pag-apruba ng mga ganyang uri ng kontrata na dagdag perwisyo sa tao sa halip na makatulong.”
Sa idinaos na hearing, sinabi ni Garcia na bagama’t ang napagkasunduang Public Private Partnership modality ay nasa ilalim ng build transfer and operate scheme, ang pamahalaan ay magbabayad din sa mga grantors ng halagang 277-milyong piso at 100 milyong piso para sa south at southwest terminals. Ano ba naman iyan?
- Latest