^

PSN Opinyon

Russia ano’ng alam tungkol kay Trump?

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Kalat ang balita na may hawak ang Russia na maselang impormasyon tungkol kay US President Donald Trump, mula sa pagbisita niya sa Moscow bilang negosyante nu’ng 2013. Anang ilang US networks, nagsama si Trump sa hotel suite ng mga mamahaling putang Ruso, na sabay-sabay pinaihi sa higanteng kama. Ay bastos! Kinky! Manyakis!

Itinatanggi ito ni Trump. Pero bihasa talaga ang Russian secret service KGB sa “kompromat” -- o pagsisilo sa mga dayuhang pinuno at diplomats sa pamamagitan ng nakaka-kompromisong tape recordings, tagong ca­meras, at “honey traps.” Isa sa maraming biktima nu’ng panahon ng Cold War si Marine Sgt. Clayton Lonetree ng US embassy sa Moscow. Nu’ng 1983 natukso siyang makiapid sa isang Russian inter­preter na, di naglaon, ay pinagnakaw siya ng mga sikretong dokumento. Nu’ng dekada-1940 maraming­ kinatalik na mga heneral at defense officials si Amerikanang Elizabeth Bentley. Binansagan itong Red Spy Queen nang mabistong nagbebenta pala ng sikreto sa Russia.

Nakahanap ng katapat ang Soviet KGB kay Indonesian President Sukarno nu’ng dekada-1960. Palihim siyang isinapelikula na nakikipagtalik sa mga Russian flight stewardesses sa hotel room sa Moscow. Nang malaman niya ito, humingi siya sa mga Ruso ng maraming kopya; ipapalabas daw niya ito sa mga sinehan sa Jakarta para mapahanga ang mga kala­lakihang kababayan.

Ginamit din ng American CIA ang honey traps. Napa-headline na isa sa mga nalanse ay mismong si Philippine President Ferdinand Marcos nu’ng 1971. Na-tape recording sina Marcos at B-movie actress Dovie Beams na naghahagikgikan sa loob ng hotel room. Hinarana pa ng lasing na Marcos si Dovey ng “Pamulinawen” (hik). Siyempre itinatwa rin ‘yun ng diktador ng martial law.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

DONALD TRUMP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with