^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kung inosente sa kaso, patunayan ito

Pilipino Star Ngayon

Sabi ni Sen. Leila de Lima nang arestuhin no­ong Biyernes, isang karangalan na makulong. Mariin niyang sinabi na inosente siya sa drug charges na ibinintang sa kanya. At kung inaakala raw na mapapatahimik siya, nagkakamali raw ang mga nagpakulong sa kanya. Patuloy daw siyang lalaban at sa dakong huli ang katotohanan ang mananaig.

Ikinulong si De Lima sa PNP Custodial Center sa Camp Crame. Ang kuwarto ay walang aircon at tanging ceiling fan lang ang nakakabit.

Dapat Huwebes pa ng hapon inaresto si De Lima subalit hindi maaresto sa loob ng Senado sapagkat bawal arestuhin kung may nagaganap na session. Nang lumabas si De Lima sa kanyang opisina sa Senado ay pasado alas otso na ng gabi. Nagpa-presscon at sinabing hindi naman siya tatakas. Nakiusap na huwag siyang ares­tuhin sa gabi. Huwag naman daw siyang bastusin­. Pagkaraan ng presscon, lumabas na siya at umalis patungo sa kanyang bahay sa Parañaque. Sinundan siya ng mga CIDG policemen para isilbi ang warrant of arrest pero hindi sila pinapasok sa loob ng subdibisyon. Muling nagbalik si De Lima sa Senado at nang interbyuhin, nakiusap siya na kinabukasan na arestuhin. Hindi siya inaresto at sa kanyang opisina siya nagpalipas ng gabi. Kinabukasan, inaresto na siya.

Ngayon mapapatunayan kung may kasalanan o wala si De Lima sa mga kasong sinampa laban sa kanya. Ngayon niya ipakita na mali ang mga nag-aakusa sa kanya. Linisin niya ang pangalan na naputikan dahil umano sa illegal na droga. Sabi niya, kaya siya ginaganito ng kasalukuyang admi­nistrasyon ay sapagkat binabatikos niya si President Duterte noon pang mayor ito. Inaakusahan si Duterte na nasa likod ng Davao Death Squad. Itinanggi ni Duterte ang mga paratang sa kanya.

Ngayon ang tamang pagkakataon ni De Lima. Kung inosente siya, patunayan ito. Maglantad ng mga ebidensiya at iba pang dokumento na nagpapatunay na hindi siya sangkot sa illegal na droga.

vuukle comment

LEILA DE LIMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with