^

Metro

‘Tulak’, binaril sa ulo, kritikal

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Inoobserbahan ngayon sa ospital ang  isang hinihinalang drug pusher na nasa kritikal na kondisyon nang barilin sa ulo ng dalawang di kilalang suspek habang masayang nakikipag-inuman sa kanyang mga kaibigan sa loob ng isang basketball court sa Brgy. Rosario, Pasig City kamakalawa.

Kinilala ni Eastern Police District (EPD) director Police Chief Supt. Romulo Sapitula ang biktima na si Aries Jason Espiritu, 27, ng 3717 Ramos Village, Brgy. Rosario, Pasig City.

Batay sa pagsisiyasat ni SPO2 Romeo Tanguilan, dakong alas-2:00 ng hapon habang nakikipag-inuman ang biktima sa kanyang mga kaibigan sa isang basketball court sa Ramos Village, sa Eastbank road Floodway, Brgy. Rosario, nang dumating ang mga suspek at walang sabi-sabing binaril ito sa ulo saka mabilis na tumakas.

Kaagad namang isinugod ng mga kaibigan sa  Pasig City General Hospital (PCGH) ang biktima upang malunasan.

Ayon sa mga awtoridad, nakatanggap sila ng impormasyon  na posibleng onsehan sa illegal na droga ang motibo ng krimen ngunit kinukumpirma pa umano nila ito.

Patuloy ang imbestigasyon sa kaso upang makilala at madakip ang mga suspek.

vuukle comment

SUSPEK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with