^

Punto Mo

EDITORYAL - Wala nang field trips

Pang-masa

MABUTI naman at mabilis ang naging pasya  ng Commission on Higher Education (CHEd) at Department of Education (DepEd) na itigil na ang mga field trip. Nararapat lang ito para masiguro ang kaligtasan ng mga estudyante. Kung magpapatuloy ang mga field trip, maaaring masundan pa ang nangyaring trahedya sa Tanay, Rizal noong nakaraang linggo kung saan isang tourist bus ang nawalan  ng preno at bumangga sa poste. Labinlimang estudyante ang namatay at 30 ang nasugatan.

Ayon sa mga nakaligtas na estudyante, naamoy nila ang nasusunog na goma habang bumibiyahe pero hindi raw ito pinansin ng drayber. Hanggang sa magpagiwang-giwang na ang bus at bumangga sa barriers at sumalpok sa konkretong poste ng kuryente. Marami na ring residente ang nakaamoy sa nasusunog na goma ng bus nang dumaan ito sa lugar.

Ang pangyayaring ito ang nagbukas sa isipan ng CHEd at DepEd para tuluyan na ngang itigil ang mga field trip. Mabuti naman at isinagawa agad ito para naman maiwasan na ang mga malalagim na aksidente.

Hindi ang Tanay tragedy ang una sa mga nangya-ring malalagim na aksidente. Ilang taon na ang naka-rararaan, may mga estudyante mula sa Marinduque ang nalunod sa isang ilog sa Bulacan nang magsagawa roon ng field trip. May nangyari na ring trahedya sa Camp Capinpin, Tanay, Rizal, ilang taon na ang nakararaan nang may estudyanteng maatrasan ng isang bus habang nasa isang field trip. Namatay ang estudyante.

Ngayong wala nang field trip, mapapanatag na ang kalooban ng mga magulang at wala na ring gastos. Tama lang ang kautusan ng CHEd at DepEd at sana ay noon pa ito ginawa para naiwasan ang malalagim na trahedya. Sana, hindi na mabawi ang kautusang ito.

vuukle comment

CHED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with