TRO makabubuti sa mga consumer-Bantay Kuryente
MANILA, Philippines - Malaking tulong at makakabuti sa mga consumer ang ipinalabas na desisyon ng Korte Suprema na temporary restraining order (TRO) upang mapigilan ang Department of Energy at Energy Regulatory Commission sa implementasyon ng kanilang bagong panukala tungkol sa Retail Competition and Open Access (RCOA).
Ito ang inihayag ng Bantay Kuryente at suportado nila ang desisyon ng Korte Suprema dahil hindi lamang ang mga naghain ng petisyon ang makikinabang kundi maging ang mga consumers.
Nauna nang sinabi ni Bantay Kuryente Secretary General Pet Climaco, na kung itutuloy ang implementasyon ng RCOA ay patataasin din nito ang presyo ng kuryente hindi lang para sa mga contestable customers kundi pati sa mga ordinaryong konsyumer.
Naninindigan din ang Bantay Kuryente na ang implementasyon ng mandatory contestability ay isang malinaw na paraan ng pagpuwersa sa mga contestable customers na kumalas sa kanilang kasalukuyang supplier.
Anya, ang pagkakaisa umano ng mga naghain ng petisyon ay nagpapakita lamang na hindi sang ayon ang ibat ibang sektor ng lipunan sa bagong panukala ng DOE at ERC.
Ang Bantay Kuryente ay mananatiling matatag at mapagmatyag upang patuloy na mapangalagaan ang kapakanan ng mga konsyumer.
Para sa mga impormasyon, katanungan, o reklamo, maaaring makipag-ugnayan sa Bantay Kuryente sa pamamagitan ng [email protected]. -
- Latest