^

Punto Mo

Paligsahan para sa mga kalbo, idinaos sa Japan

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

Higit sa 30 mga kalalakihang walang mga buhok ang nagtipon sa Tsuruta City, Japan kamakailan lang upang magsaya at ipagmalaki ang kanilang pagiging kalbo.

Ang mga sumali sa kasiyahan ay miyembro ng Bald Men Club at bawat isa sa kanila ay lumahok sa iba’t ibang paligsahan na may kinalaman sa kanilang pagiging kalbo.

Ang isa sa mga paligsahan na nilahukan ng mga miyembro ng club ay ang hilahan ng lubid na nakadikit  sa makinis na ulo ng dalawang kalahok sa pamamagitan ng suction cup. Panalo ang sinumang makakagawang alisin ang suction cup mula sa pagkakadikit nito sa ulo ng kanyang katunggali.

Isa ang 64 anyos na si Masatomo Sasaki sa mga unang beses na sumali sa mga palaro at ayon sa kanya ay nakatulong daw ang pagtitipon upang mawala ang pagkamahiyain niya dahil sa kawalan niya ng buhok.

Ito mismo ang misyon ng Bald Men Club na binuo upang gawing positibo ang pagtingin ng lipunan sa mga kalbo. Nasa 65 na ang mga miyembro nito mula sa iba’t ibang bahagi ng Japan simula nang itatag ito noong 1989.

Umaasa naman ang chairman ng club na si Teijiro Sugo na mas marami pa ang lumahok sa mga susunod na taon upang makapagdaos na sila ng Olympics para sa mga kalbo.

vuukle comment

JAPAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with