^

Punto Mo

EDITORYAL - Salot na illegal loggers, lipulin ng DENR

Pang-masa

GRABE na ang pagkapanot ng mga bundok at gubat kaya nararapat nang kumilos ang Department of Environment and Natural Resources (DENR). Hindi lamang ang illegal miners ang kanilang bantayan kundi pati na ang illegal loggers.

Salot ang illegal loggers sapagkat sila ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng mga pagguho ng bundok, pagkakalbo ng mga gubat at pagkakaroon ng mga malalaking baha. Dahil wala nang mga punongkahoy sa mga bundok, humihina ang lupa at naguguho sa matinding ulan.

Ang pagbaha sa Cagayan de Oro at iba pang pro­binsiya sa Northern Mindanao noong nakaraang buwan ay isinisisi sa illegal logging. Nasorpresa ang mga residente sapagkat sa isang iglap ay tumaas ang tubig at marami ang na-stranded. Huling naranasan ang matinding pagbaha sa Cagayan de Oro noong 2011 nang manalasa ang Bagyong Sendong. Pero sabi ng ilan, mas matindi ang baha ngayon sapagkat napakabilis tumaas ng tubig. Ang talamak na pagputol sa mga kahoy ang dahilan nang pagbaha sa CDO.

Ang Compostela Valley at iba pang lugar sa Davao del Norte at Davao Oriental ay talamak din ang illegal logging. Ayon sa report ang Compostela ang may pinakamataas na bilang ng illegal logging activities sa buong bansa. Kaya marami ang nangangamba na sa mga darating na panahon, magkakaroon ng mga malalaking pagbaha sa lugar sapagkat mapapanot nang tuluyan ang mga bundok. Pawang mga prime-rang klaseng kahoy ang pinuputol ng loggers sapagkat mahal kung ibenta. Mauubos ang mga kahoy dahil sa mga salot na magtotroso at walang ibang kawawa kundi ang mamamayan.

Paigtingin ng DENR ang kampanya laban sa ille­gal loggers. Pakilusin ng pamahalaan ang Armed Forces of the Philippines para mabantayan ang mga gubat. Mas mapuproteksiyunan ang mga gubat kung may mga sundalo sapagkat walang kalaban-laban ang forest guards sa mga armadong magtotroso. Marami nang pinatay na forest guards kaya dapat lamang paigtingin ng DENR ang pakikipaggiyera sa illegal loggers. 

vuukle comment

DENR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with