^

Krema

Krema (121)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“SAAN mo ako dadal­hin? Pakawalan mo ako! Pakawalan mo ako rito!’’ sabi ni Dang habang nagpupumiglas sa pagkakatali sa loob ng kariton.

‘‘Sa barangay hall para sila na ang magbibigay sa iyo sa mga pulis. Tumahimik ka na lang diyan at wala ka nang magagawa!’’

“Kapag nakawala ako, papatayin kita, Lex!’’

“Hindi ka na makaka-wala. Mabubulok ka na sa bilangguan dahil sa kasalanan mo. Sinisira n’yo ang buhay ng mga kabataan. Pati ang barangay na ito na dating tahimik, ginagawa n’yong impiyerno.’’

“Hindi mo kami kayang gibain, Lex. Hindi pipitsugin ang binangga mo. Magsisisi ka sa ginawa mo. Pakawalan mo ako rito!’’

Pero hindi pinansin ni Lex ang mga sinasabi ni Dang. Ipinagpatuloy niya ang paghila sa kalabaw na may karitong kinasasakyan ni Dang. May kalahating oras ang patu-ngo sa barangay hall. Kung alam lang sana niya ang cell number ng barangay madali niyang maitatawag at nang marespondehan siya. Wala namang mangahas na tumulong sa kanya dahil mga takot na madamay sa problema. Sabagay, kaya naman niyang harapin ang problemang ito. Desidido na siyang wasakin ang sindikato ng droga – kahit pa mapanganib.

“Wala kang ebidensiya sa akin, Lex. Ano ang pruweba mo na drug pusher ako? Anong ebidensiya mo?’’ sigaw ni Dang na nagpupumiglas pa rin.’’

Oo nga! Ano nga ang ebidensiya niya laban kay Dang? Baka siya pa ang balikan nito at kasuhan.

Hanggang sa maalala niya ang maleta ng shabu na itinago niya sa kulungan ng itik. Iyon ang mabigat na ebidensiya. Iyon ang magdidiin kay Dang at mga kasama nito.

Kailangan niyang makuha ang maleta ng shabu.

Ipinasya ni Lex na bumalik sa bahay para kunin ang maleta. Hindi pa naman sila gaanong nakakalayo sa bahay.

“Bakit tayo bumalik? Anong balak mo, Lex? Bakit tayo bumalik?’’

Hindi siya sumagot. Binilisan niya ang paghila sa kalabaw para makarating sa bahay.

Nang makarating, hindi niya inaasahan ang mga sumalubong sa kanya -- sina Paulo. Naghalughog na sa bahay ang mga ito. Pinaligiran siya.

“Mabuti at naisipan mong bumalik hayup ka,’’ sabi ni Paulo. “Nagkamali ka sa desisyon sana nagderetso ka na lang. Papatayin ka namin at ililibing dito!’’

Humalakhak si Dang nang marinig ang mga sinabi ni Paulo.

‘‘Sige Paulo, patayin n’yo na yan. Akala yata pipitsugin ang binangga niya!’’

“Oo mamaya lang tigok na ito. Pero bago yun, kailangan muna niyang ilabas ang ma-  leta na may high grade shabu!’’

(Itutuloy)

vuukle comment

KREMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with