^

Pang Movies

P25,000 per plate, Governor’s Ball ng Miss Universe dinumog ng mga madadatung!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
P25,000 per plate, Governor�s Ball ng Miss Universe dinumog ng mga madadatung!
Governor’s Ball ng Miss Universe

Hmmm. Magkano kaya ang kinita nang ginanap na Governor’s Ball ng Miss Universe noong Lunes ng gabi sa SMX na pinangunahan ni dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson?

Bongga kasi ang presyo ng per plate P25,000. Yup, you read it right, P25,000.

Ano kayang kinain ng dumalo sa ganung halaga?

Imagine P25,000?

Kung ordinary kang tao, puwede nang budget ‘yun para sa isang kasalan.

May isa akong kakilala na may nakatanggap ng 10 invites. So ang halaga nun ay P250,000.

Kung sabagay ang kinita naman sa na­sabing Governor’s Ball ay itutulong umano sa charity.

Rumampa nang gabing ‘yun ang mga kandidata na halata na ang kangaragan dahil sa sunud-sunod na activities na kanilang pinupuntahan.

Present sa nasabing Governor’s Ball ang maraming negosyante ng bansa at pulitiko at maging mga artista na tulad nina Alice Dixson, Dawn Zulueta, Gretchen Barretto at marami pang iba.

Kahapon ay nasa Cebu ang mga candidate para sa Swimsuit parade/pictorial at ngayong araw ay nasa Baguio naman sila.    

RIP Ms. Donna Villa!

Rest in peace Ms. Donna Villa.

Namaalam na nga ang dating-actress at tinutu­ring na mega producer na si Ms. Donna Villa kahapon ng hapon.

Ikinagulat ng buong showbiz ang pagpanaw ng kabiyak ni Direk Carlo Caparas dahil walang nakakaalam na may sakit itong cancer.

Sa University of Sto. Tomas binawian ng buhay si Ms. Donna na mas nakilala noon sa mga massacre film na prinudyos nila ni Direk Carlo.

Sa kanilang film production na Golden Lions sumigla ang acting career ni Kris Aquino nang gawin niya ang sunud-sunod na massacre movies.

Wala pang detalye kung anong klaseng cancer ang kumapit kay Ms. Donna pero balitang iki-cremate ang mga labi nito.

vuukle comment

GOVERNOR’S BALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with