^

PSN Showbiz

Derek gagawin ang buhay ng pinatay na car racer!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Lilipad bukas si Derek Ramsay patungong Bali, Indonesia para dumalo sa kasal ng isa niyang kaibigan. Kasama nito ang kanyang whole family, his girlfriend and friends. Itutuloy nila sa bakasyon ang pagkadalo sa kasal, kaya sa November 5 na ang kanilang balik ng Pilipinas. Magre-relax at mag-a-unwind siya with his loved ones.

Malaki ang pasasalamat ni Derek kina Mother Lily at Roselle Monteverde na in-advance ang premiere night ng The Escort para mapanood muna niya bago umalis. Kagabi ang twin premiere night ng movie na R-13 without cuts ang rating ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na showing sa November 2.

Apat ang love scene nina Derek at Lovi Poe at ang isa ay tumagal ng four minutes, pero ang isa sa dapat abangan ng moviegoers ay ang ending dahil sabi ng aktor, may malaking pasabog at kahit siya ay nawirduhan.

Nabanggit ni Derek na walang rehearsal at walang praktis ang kissing scene nila ni Lovi. Nakatulong ang two shots ng alak para ma-relax sila ni Lovi habang kinukunan ang kissing scene at love scenes.

Para mas maintindihan niya ang role sa The Escort na si Xyrus, pinapanood ni director Enzo Williams kay Derek ang Indecent Proposal at ang movie ni Richard Gere na American Gigolo.

Nabanggit ni Derek na isa sa naka-line up na gagawin niyang pelikula ay si director Enzo rin ang director. Ito ‘yung biopic ng namatay na racer na si Enzo Pastor. Hindi magko-concentrate ang movie sa pagpatay dito kundi sa pagiging car racer nito. Ang Regal Films daw ang magri-release ng movie.

May naka-line up din siyang movie sa Star Cinema with Maja Salvador at isa pang movie sa Regal Films na hindi pa alam ni Derek ang mga makakasama. Kahit wala siyang ginagawa sa TV5 ngayon, busy pa rin ang schedule ni Derek.

Derrick napi-pressure kay Michael V

Thankful at pressured si Derrick Monasterio na concept ni Michael V ang Tsuperhero para sa kanya. Ang writers nito ay writers din ng Bubble Gang at nag-promote rin si Michael V, kaya makakaasa ang viewers ng isang magandang show lalo’t ang director nito na si LA Madridejos ay director din ng hit na Juan Happy Love Story.

May costume rito si Derrick na 20 to 30 minutes niyang isinusuot. Mainit ang costume dahil gawa sa latex, pero keri niya at wala siyang problema. Si Ryan Reynolds sa Dead Pool at Will Smith sa Hancock ang peg ni Derrick sa karakter niya sa Tsuperhero.

Ayaw pang sabihin ng mga taga-production ng Tsuperhero kung kailan ang airing ng show, basta sa November at ito ang ipapalit sa Ismol Family.

Annabelle Rama may pasabog kay Arci MuÑoz

Nakita namin at ibang reporters si Annabelle Rama sa birthday party ng kapwa writer na si Allan Diones at tinanong kung ano ang sikreto sa talent niyang si Arci Muñoz na diumano’y isisiwalat niya. Pero ayaw magsalita ni Annabelle kahit sinabi ng mga reporter na hindi nila isusulat.

Ang narinig lang na sagot ni Annabelle ay “Sa November 8 na” at hindi naman sinabi kung ano ang meron sa nasabing petsa. Inisip na lang ng press people na baka sa sinabing date mag-i-expire ang kontrata ni Arci sa kanya at sa Viva Artist Agency at lilipat na sa Star Magic. Hintayin na lang daw ang Nov. 8.

Lovi hinay-hinay muna kay Tom

Nagrereklamo na kay Lovi Poe ang fans nila ni Tom Rodriguez sa Somone To Watch Over Me dahil puro pictures na lang nina Lovi at Derek Ramsay o kaya ni Chris Johnson ang nakikita nila sa Instagram (IG) ng aktres. Bakit daw walang picture nila ni Tom?

Tanong pa ng fans, may kinalaman daw ba ang mga nagselos na fans nina Tom at Carla Abellana kaya hindi na niya pinu-promote ang teleserye nila ni Tom?

vuukle comment

DERECK RAMSAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with